Rabiya, hindi bumitiw kay Jeric

Jeric at Rabiya
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi napigilang maging emotional si Rabiya Mateo kapag napapag-usapan ang relasyon nila ni Jeric Gonzales.

Sa sobrang pagmamahal kay Jeric, napapaluha siya kapag pinag-uusapan ang pakikipaglaban sa relasyon nilang dalawa.

Kailangan niyang ipaglaban ang pagmamahal sa Kapuso actor, sa gitna ng mga kontrobersiyang hinaharap nito.

Nung kumalat ang TIkTok post na tila pinapalabas na may kahalikan at kalandiang bading si Jeric, ipinakita ang suporta ni Rabiya sa kanyang nobyo.

Magkasama silang lumabas nung Lunes ng gabi, at ipinost ni Jeric sa kanyang IG story na nag-date silang magkasintahan.

Sabi nga ni Rabiya sa nakaraang mediacon ng Sparkle : “’Pag nagmahal talaga ako totoo, and I can sacrifice few things kung ‘yun ang makapagpabuti sa akin at kay Jeric.”

Dagdag niyang pahayag: “Kami ni Jeric, lumalaban po talaga kami sa buhay, and aminado naman po namin na we’re not perfect and alam ko, when we were starting at ang daming nagsasabi sa amin, sa akin talaga na if you want to have a blooming career in showbiz, huwag kang mag-boyfriend. Huwag kang pumili ng artista. Pero I did not listen to them, and I chose to love at its fullest.”

Para kay Jeric, blessing si Rabiya sa kanyang buhay, at ipinagpapasalamat niya ito. “Ngayong dumating siya (Rabiya), hindi maalis na she’s a blessing talaga to me. Kung ano man ang ginagawa ko dati na inspired ako, mas inspired pa ako ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na may someone na nandiyan na nag-aalaga sa ‘yo, nag-advice sa ‘yo at naniniwala sa ‘yo. Pinu-push pa niya lalo para gawin ‘yung best sa lahat na ginagawa mo,” pahayag ni Jeric.

Kaya nang kumalat ang malisyosong TikTok post ni Jeric, magkasama sila, nag-date, dahil sabi nga niya, mahalaga sa kanila ang maayos na pag-uusap at pag-unawa. “Communication and understanding. ‘Yun lang naman, magtulungan kami sa isa’t isa, at ang problema ayusin namin. Kaya naman,” pakli ni Jeric.

Done deal…

Matteo, tuloy na sa GMA

Totoo kaya ang nasagap na­ming confirmed na raw ang paglipat sa GMA 7 na si Matteo Guidecelli?

Abangan na lang daw ang formal announcement ng Kapuso network.

At inaayos pa raw ngayon ang pakikipag-usap kay Sarah Geronimo.

Kapag natuloy ito, maaaring magiging bahagi siya sa isang programa niya na nakuha na raw ngayon ng GMA 7, ng franchise ng The Voice Kids.

Sure raw na mapapanood ito sa GMA 7 na da­ting nasa ABS-CBN 2.

Nick Deocampo, umaasang aangat pa rin ang film industry

Bilang isang true-blooded Noranian, sobrang tuwa ni Sir Nick Deocampo na finally tinanghal na ring National Artist si superstar Nora Aunor. Pero ang isa raw dapat na ipagdiwang natin ay ngayon lang daw nangyari na tatlo sa industriya natin ang napiling National Artist.

Bukod kay Ate Guy, paparangalan din si Ricky Lee at ang namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya. “Sino ang hindi matutuwa diyan? Lahat kami natutuwa, at magkaroon ng dalawang babaeng National Artist sa Pelikula, dalawa pa, nagkambal pa.

“Dagdag pa diyan si Ricky Lee, tatlo. Kailan nagkaroon ng tatlo sa isang sektor? So, biyayang-biyaya ang pelikula ngayong taon. Sa Architecture, Music, sorry wala sila. Visual Arts lalo na. Pero ang pelikula, wow! Slam bang three!,” pahayag ni Nick Deocampo sa book launch ng libro niyang Alternative Cinema The Unchronicled History of Alternative Cinema in the Philippines, na ginanap sa Film Development Council of the Philippines nung nakaraang Linggo, June 12.

Sa aming pakikipagtsikahan kay sir Nick, very hopeful siya na may magagawa ang bagong administrasyon sa ating movie industry na lugmok na lugmok na. “Alam mo si Imee Marcos, kapanahunan ko nang itinayo niya ang ECP. Pero tingnan na lang natin, baka ibang konteksto ‘yun, at ang sabi naman ng anak ngayon ay bigyan siya ng pagkakataon, ‘di ba?”

Show comments