260 pamilyang apektado ng ashfall sa Sorsogon, natulungan ng ABS-CBN foundation

Umabot sa 260 pamilya sa Sorsogon ang nahatiran ng tulong ng ABS-CBN Foundation matapos matakpan ng abo ang kanilang lugar dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Bulusan.

Sa pangunguna ng ABS-CBN News Public Service team, naiabot na ang food packs, hygiene kits, tubig, at bitamina sa mga residente ng Brgy. Puting Sapa, Juban na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa matinding ashfall.

Samantala, lalo pang tumibay ang pag-asa para sa mga magsasaka sa Bucas Grande Island sa Socorro, Surigao del Norte nang dumating ang home repair kits nitong buwan na kanilang magagamit sa pagkumpuni ng kanilang mga tahanan. Mahigit limang buwan matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette, hirap pa ring makabangon ang mga residente roon.

“Ito ‘yung sitwasyon namin. Hindi pa rin stable. Hindi pa siya gaano ka-permanent ‘yung tirahan namin,” ani Sha Harim Antegro, isa sa mga benepisyaryo sa ulat ng TV Patrol.

Nagpasalamat din si ang kanilang purok chairman na si Romero Henson Ajoc sa tulong na hatid ng ABS-CBN sa kabila ng pagkawala nito sa ere dahil sa shutdown noong 2020.

“Kahit wala na sa ano (ere) ‘yung ABS-CBN pero patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi. Maraming salamat,” sabi niya.

Stranger…, namayagpag

Hindi lang papuri ang nakuha ng Love You Stranger, ang latest primetime mini-series na ipinrodyus ng GMA Public Affairs, kundi namayagpag din ito sa ratings dahil sa storyline at cine­matography nito.

Based on Nielsen Philippines’ National Urban TV audience measurement overnight ratings data noong June 6, nakakuha ang mini-series nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ng 6.5.

Itinuturing naman ng netizens na “world-class” at ‘watching a film on TV’ ang mystery-romance ng magkarelas­yon.

Nag-trending din sa Twitter ang pilot episode nito na may official hashtag na #LYSworldpremiere noong Lunes.

Sa pilot episode nito, ipinakita kung gaano pinagtuunan ng pansin ni LJ ang pag-aalaga sa inang si Lorraine (Andrea del Rosario) na may hindi maipaliwanag na takot sa mga anino at pag-iwas nito sa mga estranghero.

Makikitang nagtipun-tipon ang mga residente sa Sta. Castela para sa isang rituwal. Naniniwala ang mga ito na every full moon, may aninong nilalang na tinatawag na Lilom na nangunguha ng kaluluwa ng tao.

Para mapatahimik ang misteryosong nilalang, kailangang mag-alay ng sayaw ang isang babaeng suot ang mahabang damit na may floral headdres­ses, at dito ipinakita ang batang LJ at ang kanyang ina na nakikisayaw sa rituwal.

Love You Stran­ger also stars Gil Cuerva, Carmi Martin, Tonton Gutierrez, Lexi Gonzales, Kim de Leon, Maey Bautista, Angelli Sanoy, Alex Medina, Nor Domingo, Ces Quesada, Lui Manansala, Bodjie Pascua, Soliman Cruz, and Dindo Arroyo.

Mapapanood ang Love You Stranger tuwing Monday to Thursday, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad. Maaari rin itong mapanood ng mga Kapuso abroad via GMA Pinoy TV.

Show comments