^

PSN Showbiz

Janine, madaling napapatawa ni Paulo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janine, madaling napapatawa ni Paulo
Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Simula ngayong June 22 ay mapapanood na ang pelikulang Ngayon Kaya na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Taong 2020 pa nang simulang gawin ng dalawa ang naturang proyekto. Nagkatambal na rin sina Janine at Paulo sa teleseryeng Marry Me, Marry You na napanood noong isang taon sa Kapamilya Channel na nagtapos noong January lamang.

Mas lumalim na ang pagkakakilala ni Paulo sa aktres dahil madalas nang nagkasama sa mga trabaho. “I discovered a lot kay Janine also in terms of her family and everyone she would make kwento. I think I got to know her better. Actually ‘pag lock-in nga mas nagkakausap kami halos araw-araw sa set. ‘Pag break wala rin akong makakasama kundi sila, sabay-sabay din kumain lahat. ‘Yung biyahe abroad parang less pa kami nagkikita more than sa lock-in,” natatawang kwento ni Paulo.

Kamakailan ay nagkasama sina Janine at Paulo sa Amerika para sa concert tour ni Ogie Alcasid. Kinilig ang mga tagahanga ng tambalan na mas kilala sa tawag na ‘PauNine’ dahil sobrang sweet daw ng dalawa sa kanilang duet na ginawa sa concert.

Nag-post din si Janine sa kanyang Instagram account ng isang larawan na magkahawak ang kanilang kamay ng aktor habang kumakanta. “Actually, nagkataon lang talaga na ‘yon lang ‘yung mga pictures. Grabe, ngayon ko lang nalaman na first time ni Kuya Ogie mag-concert ng solo, na siya ‘yung headliner at sobrang sulit, napakagaling. Para kang nanonood ng comedy show. Pangalawa, naririnig mo pa ‘yung mga kanta na kinalakihan mo. Ang dami pala niyang nasulat na kanta na ngayon ko lang na-realize na siya pala ‘yung nagsulat,” paglalahad ng aktor.

Mula nang nagkahiwalay sina Janine at Rayver Cruz ay naugnay na ang aktres kay Paulo. Marami ang nagtatanong sa aktor kung ano na ng aba ang tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon ng dalaga. “Happy ako, happy ako na any time na gusto ko ng kausap, pwede kong tawagan si Janine. Pwede ko siyang imbitahan kumain o magkape. Siguro what I like about her is ‘yung madali siyang patawanin,” makahulugang pahayag ni Paulo.

Miko, abala sa negosyong tela

Pagkatapos gumanap bilang ama ni Charlie Dizon sa Viral Scandal ay posibleng tumanggap  muli ng father role si Miko Raval. Wala raw magiging problema sa aktor kahit nalilinya siya sa pagganap bilang tatay sa mga proyekto. “Okay naman sa akin because the past two projects that I’ve done were really good. It was received very well. I’m not the type to reject projects so whatever is on the table, let’s study it and see from there,” pahayag ni Miko.

 Ngayon ay wala pang bagong proyekto ang aktor. Ang sariling garments business umano ang pinagkakaabalahan ni Miko sa kasalukuyan. “I started this with my ex-girlfriend who is now my wife. We started this back in 2014. Until now it’s going strong. It’s getting better every single year. We create uniforms for companies, corporate giveaways. Good thing we were able to survive during the pandemic because we were able to provide PPE’s, face masks. So ‘yon ‘yung demand for our company. So that’s what I’m focusing on when I’m not acting. Okay naman ako, nakapagpahinga na,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with