^

PSN Showbiz

Isyu sa sustento ni Paolo, inungkat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Isyu sa sustento ni Paolo, inungkat
Paolo Contis.

Hindi na bagong issue sa amin ang walang sustentong ibinibigay si Paolo Contis sa kanyang dalawang anak sa una niyang asawang si Lian Paz.

Naungkat lang ang issue dahil nag-graduate na nga sa elementary school ang kanilang panganay na si Xonia.

Hindi naman humihingi ng sustento si Lian, ang sinabi lang niya napalaki niya ang kanyang mga anak sa sarili niyang pagsisikap kahit na walang isa mang kusing na ibinigay si Paolo para sa mga anak nila.

Lately ay ganyan din ang naging kaso nila ni LJ Reyes.

Ang maganda nga lang kay Lian, naka-move on siya agad at nakilala nga ang kanyang partner ngayon na si John Cabahug na isang negosyante.

Ang maganda namang ginawa ni John, inari niyang parang tunay din niyang mga anak sina Xonia at Xalene. Sa parte naman ni Lian, tanggap din  niya na parang tunay na anak ni John sa una, si Lexi.

Hanggang sa nagkaroon na rin silang dalawa ng sarili nilang anak, at nabubuhay na nga sila nang tahimik sa Cebu bilang isang pamilya.

Wala naman silang problema dahil diumano’y maganda ang takbo ng negosyo nila sa Cebu. Kaya nga walang problema si Lian eh, hindi kagaya ni LJ na nagsisimula ng panibagong buhay sa US.

Mabuti naman at ang kanyang panganay na si Aki ay suportado ng tatay nitong si Paolo Avelino maski na papaano, kaya ang anak na lang niya kay Paolo ang kailangan niyang isipin ni LJ na tiyak naman madaling makaka­hanap ng trabaho.

Ang pagbibigay ng sustento sa anak ay isang personal na bagay at sana ay makonsensiya ang mga amang hindi ginagampanan ang kanilang responsibilidad.

Finally, derrick bibida na

Salamat naman at binigyan na pala ng isang afternoon series ng GMA si Derrick Monasterio, ang Return to Paradise.

Kasisimula pa lang daw ng trabaho kaya hindi pa rin alam kung kailan iyon ipalalabas. Nagpadala sa amin ng ilang pictures si Manny Ballester, at napansin namin sa kanilang merchandising layout na nasa gitna at prominent ang picture ni Derrick, ibig sabihin siya talaga ang bida.

Sa ngayon ay hot copy si Derrick sa social media dahil sa kanyang ginawang underwear mode­ling para sa isang kumpanya.

Obvious naman na isang sexy ang nasabing series dahil dito naman puwedeng sumikat talaga si Derrick.

Aktor, niloloko ang ka-loveteam

Pinagbubulungan nila ang isang male star. May dalawang version ang kuwento. Iyong isang version, ang male star daw ay matagal na rin namang “tinotorotot” ng kanyang syotang female star.

Iyon namang isang version, kaya raw ganoon ay dahil talaga namang “loveteam” lang sila dahil ang male star ay mukhang “girl” na rin, at posibleng magladlad na rin. 

Pero alam naman ninyo ang kuwento ng mga Marites, hindi accurate most of the time.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with