^

PSN Showbiz

Kathryn, aminadong sobrang liit ang circle of friends!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, aminadong sobrang liit ang circle of friends!
Kathryn Bernardo.

Bagong health ambassador, kapalit ni John Lloyd

Aminado si Kathryn Bernardo na maliit lang ang circle of friends niya. “I have a very small circle of friends, but that’s my core. I make time for them kasi busy din ako kaya nasa akin talaga kung paano ko ime-maintain ‘yung friendship. So during my free time, I make sure na maramdaman nila that I am there for them,” banggit ni Kathryn na hindi naitago ang kilig sa boses habang nagkukuwento kaugnay sa pinakabagong development sa kanyang showbiz career – ang pagiging health ambassador ng pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng ulo at lagnat, ang Biogesic!

“Ako ‘yung type of friend na mahilig mag-video call instead of text. Gusto ko kasi nakikita ko ‘yung kausap ko para feeling ko magkaharap lang tayo na nagchichikahan,” dagdag niya pa.

Ganoon din si Kath sa kanyang pamilya. “Sometimes it’s the little things, like kung kailangan mo ako, or kahit ayaw mo pero feeling ko kailangan mo ako, I would go to you, ganoon ako.”

Isa naman sa care languages ni Kath ay ang pagsosorpresa sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain. “Kasi iniisip ko parati, ganundin ako. I like ‘yung feeling na inaalagaan and may nagke-care, so ‘yun ‘yung ginagawa ko.”

Bukod sa pag-aalaga ng mga malalapit na kaibigan ay advocate din ni Kath ang tinatawag na self-care dahil alam niyang kailangan niya ito upang patuloy na maalagaan ang mga mahal niya sa buhay. “First thing in the morning, I work out. Feeling ko naha-happy ako after and that’s a good way to start my day. Gusto ko din pina-pamper ang sarili ko by getting my nails done or magpa-facial. Gustung-gusto ko ang me-time.”

Humihingi rin siya ng free days from work lalo na kung sa tingin niya ay sunud-sunod na araw na siyang nagtatrabaho. Aniya, mahalaga na maging balanse ang buhay at isang paraan ay ang makasama niya ang mga taong mahalaga sa kanya. “I like to be spontaneous. Kung feel ko biglang mag-out-of-town, ite-text ko ‘yung mga kaibigan ko na ‘overnight tayo’ or tambay lang sa bahay and then may pupunta dun na mga kaibigan. Nakaka-recharge na ‘yun for me.”

Sa mga pagkakataon naman na tinatamaan si Kath ng sakit na dala ng pagod, puyat at stress, ang kanyang mommy ang lagi niyang takbuhan. “Clingy ako kapag may sakit. Gusto ko ‘yung feeling na may nag-aalaga. Tapos request ko parati sopas, ‘yung maraming butter, ‘yung kulay yellow na ‘yung sabaw sa rami ng butter.

“And kung kailangan, inuman din talaga ng medicine like Biogesic. Tapos mafi-feel mo na na pinapawisan ka and you’re getting better,” pag-amin pa ng actress na back to work na pagkatapos ng kanilang bakasyon ni Daniel Padilla sa Chiang Mai, Thailand, bilang celebration ng kanilang 10th anniversary.  “Walang reason to say no to Biogesic kasi it is such an honor to be part of the brand,” chika pa ng dalaga habang naka-lock-in taping para sa kanyang bagong TV series na 2 Good 2 Be True katambal ang kanyang reel and real love team na si Daniel na in all fairness ay laging number 1 sa trending.

Si Kath nga ang bagong personalidad ng nasabing gamot sa sakit ng ulo kasama ang seasoned actress na si Jodi Sta. Maria na pitong taon ng brand ambassador. Bago nito, ang aktor na si John Lloyd Cruz ang endorser, kung saan tumatak ang kanyang iconic na “ingat” salute.

So wala na talaga si John Lloyd?

“Super fan ako ni John Lloyd and growing up napapanood ko ‘yung commercial niya na sobrang identified sa kanya. Ngayon, part na rin ako ng Biogesic brand and it’s really one of my biggest blessings.”

Brand recall aside, talagang napakadali raw para sa actress na tanggapin ang bago niyang role bilang health advocate dahil sa tiwala niya para sa produkto. “Gaya ng maraming pamilyang Pilipino, lumaki ako na may Biogesic sa bahay namin. Hindi kami pwedeng mawalan dahil ‘yan ang lagi naming iniinom para sa lagnat at sakit ng ulo. Noong bata pa ako, liquid pa muna. Noong lumaki na kami, tablet naman. Trusted brand ng mom ko ’to,” aniya pa sa nasabing gamot sa maaring inumin ng buntis, nagpapadede, matatanda at kahit gutom pa.

Ngayon na puwede nang pakasal si Kath pero nakaugalian na niya ito.

“ Wala na itong kailangang patunayan, automatic na ‘yan ‘pag Pinoy ka, may Biogesic ka sa bag or sa first aid kit ‘nyo sa bahay,” patotoo ni Kath.

“It’s good to be ready especially sa mga panahon na ito na bawal tayong magkasakit. Ito din ‘yung way ko to protect my loved ones, I like to keep myself healthy to keep them healthy,” dagdag pa ng dalaga na tugmang-tugma sa 2022 campaign ng brand na ‘#AlagangBiogesic: Languages of Care.’

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with