^

PSN Showbiz

Aktor na mahilig sa tikiman sa lock-in, ‘di naka-score sa actress!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Napapangiwi si byuting aktres kapag nakikita niya itong si may pagkabortang aktor sa set ng drama series na ginagawa nila.

Magkasama sila sa lock-in taping at may kanya-kanya silang kuwartong tinutuluyan.

Parang villa ito sa isang lugar somewhere in the north, na nagkataon naman katapat ni byuting aktres ang villa na tinutuluyan ni bortang aktor.

Tuwing umaga ay nagkakape si aktres sa terrace ng villa na tinutuluyan niya.

Maya-maya ay nagugulat na lang siya dahil lalabas na si aktor at mag-e-exercise na ito.

Nagbubuhat ng dumbbells, huhubarin ang suot na sando at magpi-flex ng muscles at sabay display ng abs.

Kunwari hindi nakikita si byuting aktres na katapat niya, at tipong nagugulat na lang nandun pala si aktres sa labas at babatiin na niya ito.

Wala naman daw malisya ‘yun kay aktres, pero napapansin na niya na ilang beses na itong ginagawa ni aktor. Tapos may pa-cute at pasimpleng nagpapansin itong si bortang aktor kay byuting aktres.

Pero ‘di umubra kay aktres. Committed siya sa kanyang partner at sinasabi niyang nandun siya sa set para magtrabaho, hindi para makipaglandian.

Nakilala na kasi nila itong si aktor na mahilig makipagtikiman sa ilang co-actors niya lalo na ‘pag nasa lock-in taping.

Kaya naman, okay na rin sigurong itigil na ang lock-in ­taping dahil marami talagang kababalag­hang nagaganap.

Ang dinig ko, ang mga susunod na drama series na iti-tape ay hindi na magla-lock in.

Uwian na, pero may ilang linggo ring magla-lock in kapag tuluy-tuloy ang taping at magkakalapit lang ang location.

Baron at asawa, dadaan sa counseling bago ulit magsama

Ngayon pa lang pala nagsama sa isang project sina Baron Geisler at Kiko Matos pagkatapos ng isyu at kadramahan nila mga apat na taon na ang nakaraan.

Magkasama sila ngayon sa pelikulang Pusoy na streaming na sa Vivamax kahapon.

Maiksi lang ang role doon ni Kiko, pero sila ni Baron ang madalas na magkaeksena, at natutuwa ang aktor dahil magkasama sila ulit. “Yes first time ulit namin nagkasama after four years, 2016 yung huli,” pakli ni Baron sa nakaraang press preview ng Pusoy na ginanap sa Gateway Cinema nung Miyerkules.

“I hope magkaroon kami ulit ng parang MMA (Mixed Martial Arts), action, pero BL pala ‘yun no?” natatawa niyang pahayag.

“No. I was joking. Pero I would love to work with him on an action film. Magaling siyang artista po,” sabi pa ni Baron.

Kasama ni Baron dito si Vince Rillon na bida sa naturang pelikula, at sexy stars ng Vivamax na sina Angeli Khang, Janelle Tee at Jela Cuenca.

Walang kiyeme si Baron sa paghuhubad sa pelikulang ito dahil si direk Brillante Mendoza ang kumausap sa kanya. Si direk Brillante ang nag-produce nito at dinirek ni direk Phil Giordano.

Natatawang kuwento ni Baron: “Tinawagan po ako ni direk Brillante. Sabi niya, ‘Baron, may gagawin ka na pelikula ha? Maganda ‘yung role. Kasama mo si Vince, kayong dalawa ang bida rito ha? Ikaw ang kontrabida. ‘Yes direk, ganyan, ganyan. O mag-meeting tayo kay boss June Rufino.

“The next day nag-meeting kami. Okay nice. ‘O, maganda ang mga eksena ha, ganyan ganyan. Hindi ka iinom ha? Opo.

“Tapos biglang, pagdating na dun, ‘Baron, mag-plaster ka na. Ho? Ah hindi, may mga pitong sexy scenes ka rito.

“So, pinanindigan ko na lang dahil sa naniniwala ako dun kay direk Phil, at saka kay direk Brillante hindi ako makahindi.

“Si direk Brillante pa kasi ang producer. So, hindi lang pang-Vivamax to, maaring sa ibang bansa.”

Thankful si Baron na tuluy-tuloy na ang kanyang trabaho. May sisimulan daw siya uli na isa pang film project sa Viva, at meron pa raw siyang nagawang pelikula para sa Netflix na produced ng MAVX Productions.

Okay na rin daw sila ng asawa niya na nagbabakasyon daw muna ngayon sa Turkey. “We’re having counseling as soon as she gets back from Turkey. Nasa Turkey lang po siya celebrating with her friends.”

AKTOR

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with