^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian, kabisado na ang bawat galaw sa sitcom

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong at Marian, kabisado na ang bawat galaw sa sitcom
Marian at Dingdong.

‘Yung chemistry nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kitang-kita mo sa kanilang Jose & Maria’s Bonggang Villa. Alam mo agad na comfortable at very close sila dahil tingin lang parang alam na agad ng isa ang sasabihin at gagawin.

At lalo pang gumaganda si Marian at pumopogi si Dingdong, patunay na happy sila sa kanilang pagsasama na going stronger thru the years.

Perfect combination silang dalawa kaya naman lalo pang tumitibay ang kanilang samahan. At parang dalaga pa rin ang hitsura ni Marian eh dalawang healthy at beautiful kids ang anak nilang sina Zia at Ziggy.

Si Dingdong naman nag-explore na rin sa directing, at pareho na rin nilang pinasok ang line production. Bonggang-bongga.

Pakikiramay...

Our deepest sympathy sa pamilya ni Cris Roque ng Kamiseta Skin and Apparel.

Namatay ang kanilang sister na si Tessa.

Ang hirap maka-move on sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. Iyon nga lang mga tao na kahit paano nagkaroon ng ugnayan sa buhay mo, mabigat na ‘pag nawala, lalo pa nga siguro ‘pag miyembro ng pamilya mo.

Hindi mada­ling tanggapin ‘pag nabawasan ng isa. Para ring halaman na pag nawala ang isang dahon o bulaklak, parang hindi na buo, broken na.

Matagal bago mo matanggap ang pagkawala. Ganun ang impact ‘pag namatayan ka.

For sure consolation na marami ang nakikiramay, ang nagmamahal sa pamilyang nagluluksa, tulad kay Susan Roces, buong Pilipinas nalungkot at nakiramay.

Sabi nga nila, the best gift for a person ‘yung naalala ang isang tao na nakangiti ‘pag nawala na siya. Saka kahit ano pa ang lungkot mo, yung idea na naging maganda naman ang buhay niya sa lupa sapat na para maging thankful tayo kay God.

Dalawang bagay ang sigurado tayo sa buhay, ang kapanganakan at kamatayan.

Kaya tanggapin natin nang maluwag ang pagdating ng kapalaran.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with