Ivana, nahihiyang magbiro kay Gerald

Ivana Alawi.

Kinumusta kahapon kay Ivana Alawi ang karanasan niya habang naka-horseback riding suot ang sexy bikini para sa teleseye niyang A Family Affair na matagal ding naudlot dahil sa pandemic? “Masaya siya. Actually, nag-enjoy kami kasi parang hindi kami nagtatrabaho non. Kasi ‘pag nasa beach talaga ako, usually ginagawa ko naman talaga nagho-horseback riding sa beach. Kahit before, nasa Balesin… masaya siya.

“Saka lalo na sila direk Raymund and direk Jerome, hindi nila ako pine-pressure. Just be yourself kung ano ‘yung gusto mo. Kunwari magpa-sexy ka, ‘yung who you are,” banggit niya kahapon sa ginanap na zoom conference.

Apat ang leading man niya rito, kaya sabi nila jackpot ang sexy star / vlogger na ngayon ay may 8 million followers na rin sa Instagram.

Ano bang i-e-expect ng manonood sa A Family Affair? At paano niya i-describe ang apat na leading man – Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake and Sam Milby?

“Si Jameson, very baby boy. ‘Yun nga ang tawag ko sa kanya. He’s very young and very innocent. Si Jake naman, best friend ko. He’s more of funny. Kapag magkasama kami, puro kalokohan lang ‘yung nangyayari, puro biruan. Very easy-going siya and madaling kausap. Hindi ako natatakot biruin,” hirit nito.

“Kasi sa iba katulad kay Gerald, nahihiya akong biruin pa. Kasi si Gerald naman, he’s very professional lalo kapag nasa taping tapos nag-i-i-internalize siya and ‘pag pumapasok sa character, ang galing talaga. Ako ‘yung nahihiya, ayaw ko magbiro kay Gerald kasi professional talaga.

Advertising
Scroll to continue

“Si Sam naman, akala ko dati takot din ako na makatrabaho kasi feeling ko sobrang tagal na sa industriya and sobrang galing. Feeling ko professional siya, English speaking. So natatakot akong makaeksena siya, pero nung first time kaming nagkita, puro biro siya. Sabi niya gusto niya comfortable kaming lahat.”

At nang tanungin kung sino ang hot sa apat?

“Lahat naman sila hot. Lahat sila may kanya-kanyang hotness. Lahat sila.”

Kung ide-describe mo sila bilang ulam, ano sila at bakit? “Siguro si Jameson, Kare-kare. Nilalagyan kasi siya ng bagoong. Hindi ko alam! Basta masarap kasi ‘yung Kare-kare. Si Jake naman, barbeque siya. Tusok-tusok. ‘Yung dalawa (Sam at Gerald), Bulalo. Basta…”

Ano namang nararamdaman niya ngayong finally, ito na natuloy na ang launching project niya na naudlot matapos siyang pumirma sa ABS-CBN dahil sa pandemic? “I was so excited to start filming my launching project pero in God’s perfect time talaga because it wasn’t my time kasi dumating ‘yung COVID, dumating ‘yung pandemic, nag-lockdown. I learned more things habang naka-lockdown. I always try to look at things positively. Kapag may nangyari, may dahilan si God,” sagot niya.

Dinirek ang A Family Affair nina Jerome Pobocan at Raymund O­campo at mapapanood ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, and iWantTFC.

Show comments