Millennial trio na JBK nilabas ang bagong single na Porket

JBK.

May bagong kanta ang award winning trio – JBK - na kinabibilangan nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio, na pinamagatang Porket – na isang Latin pop-romance inspired track.

Ang Porket, na isang awitin na relatable sa lahat, ay tungkol sa isang lalake na masama ang loob matapos siyang iwan ng kanyang minamahal.

Iniisip niya ang mga alaalang nakakabahala sa kanyang relasyon habang ginugunita niya ang nakaraan at sinisisi ang mga maling nangyari.

Ipaparinig din sa awitin ang bawat yugto ng pagluluksa gaya ng denial, galit, bargaining, at depresyon, na lahat ay para sa kanyang dating kasintahan.

Pinag-sasama ng awitin ang soul ng OPM at ang mga Latin American tunes.

Ito ang follow-up ng trio sa kanilang mga naunang reggaeton singles na Sana Naman nung October 2020 at ng Crazy nung April 2021 sapagkat gusto nilang gawing signature sound ang genre na ito.

Ang Reggaeton ang paborito ng JBK sapagkat naipapakita nito ang vocal bravado ng mga miyembro, at nagbibigay pugay din ito sa Pinoy cultural roots at influences. “Gusto naming mag-break ng new grounds sa mainstream OPM, at nawa’y umabot din kami sa iba’t-ibang bahagi ng Asya at maabot din namin ang mga kababayn natin sa Latin America,” sabi ng JBK.

Ang Porket ay orihinal na kumposisyon ng grupo na distributed ng Warner Music Philippines.

Available na ang Porket for download sa Spotify, Apple Music, at sa iba pang digital platforms.

Baguhang singer, mapang-akit sa kakalabas na music video

Mapusok ang rising girl crush musician na si Zachary sa kanyang debut single na Dahan Dahan, kung saan proud niyang ipinakita ang sexy side niya sa music video ng kanta.

Si Zachary mismo ang nag-compose ng Dahan Dahan, na naimpluwensiyahan sa musika ng ama niyang si Gail Ignacio, ang dating drummer ng ‘90s rock band na Alamid, at ang ina niyang aniya ay isang ‘karaoke queen.’

Ipinapakita sa kantang ini-release ng Star Music ang emosyon ng babae na sobrang attracted sa isang tao na hindi niya magawang iwasan. Maririnig sa kanta ang malamig na boses ni Zachary at ang soft R&B beats.

“Tungkol ‘yung kanta sa kagustuhan na mas makilala pa ‘yung isang tao at magkaroon ng deep, passionate, at intimate connection sa kanya,” aniya na sinabi ring mensahe ng awitin na dapat kalimutan ang mga pag-aalinlangan pagdating sa pag-ibig.

Ini-release na rin ang music video nito kung saan makikita ang bagong Star Music artist na inaawit ang kanta habang mag-isa sa kwarto. Mapapanood din dito ang ilang eksena kung saan tila nakikipag-flirt siya sa isang kausap na lalaki.

Bago pumirma sa premier music label ng ABS-CBN, hinarana ni Zachary ang netizens sa pagu-upload ng mga cover ng kanta sa internet.

Show comments