^

PSN Showbiz

Mariel, Paolo, Suzi at Gino, OA sa kanilang kalusugan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel, Paolo, Suzi at Gino, OA sa kanilang kalusugan
Mariel Rodriguez-Padilla.

Kapansin-pansin ang pagdami ng mga sikat na perso­nalidad na nagbibigay ng payo tungkol sa kung paano mapapanatili ang mabuting kalusugan at makakaiwas sa sakit lalo na nga at nasa pandemya pa rin tayo. Oo nga at parang nararamdaman na natin ang new normalcy, mahalaga pa rin ang wastong nutrisyon, hydration, ehersisyo, malusog na kalusugan ng isip at sapat na pahinga. Kailangang mapanatili ang isang malusog na immune system para mapababa ang panganib ng mga malala at nakakahawang sakit.

Nitong mga nakaraang linggo ay ilan mga kilalang ar­tists na aktibo sa social media ang nag-share ng kanilang feedback tungkol sa bisa ng bagong Solmux Advance sa pagtanggal ng ubo, lalo na ‘yung may plema.

Ito pala kasi ang una at tanging gamot sa ubo sa Pilipinas na pinagsama ang Carbocisteine na tumutunaw sa plema para madaling mailabas ito sa pamamagitan ng pag-ubo kasama ang mga bacteria na namuo dito -- at Zinc na tumutulong na palakasin ang immune system at mabisang antioxidant.

At mahirap umubo ngayon ha, lalo na kung may plema. Nakaka-anxiety agad.

Matagal nang Kapuso Network host ng Unang Hirit at Mars si Suzi Entrata, habang si Paolo Abrera ay TV host, lifestyle columnist, triathlete, environmentalist, commercials director at TV content producer. Nagkakilala sila sa sports show na Game Plan at ikinasal noong 2001.

“Ano ang aming New Normal routine? Manatiling malusog at tiyaking ligtas ang paligid. Ang pagkain ng tama, pag-eehersisyo, pagtiyak na nakakakuha tayo ng sapat na pahinga pati na rin ang pagpapalakas ng ating immune system ay tumutulong sa atin para may panlaban sa anumang bagay na maaari nating masagap sa panahong ito,” ani Paolo sa kanyang Instagram, habang sila ng kanyang asawang si Suzi ay gumawa ng pinagsamang video tungkol sa kanilang health journey.

“...gusto ko lang parangalan ang asawa ko hindi lang dahil sa pagiging napakagandang asawa kundi sa pagiging mahusay na ina sa aming tatlong anak na babae [Leona, Jade at Antonella]. Napaka-metikulosa pagdating sa kalusugan ng aming pamilya para iwas-sakit,” pagmamalaki ni Paolo.

“Pero kahit na anong ingat, gaya ng ibang taong kilala ko, naging positive kami ni Suzi sa Covid noong nakaraang January,” paglalahad ni Paolo. “Sa kabutihang palad, ang mga sintomas ay kaya namang masubaybayan at magamot sa bahay.”

Inamin din nilang uminom agad sila ng Solmux Advance with Zinc. Nagsaliksik umano noon si Suzi tungkol sa mga gamot sa ubo at na-curious siya kung bakit ito naiiba sa orihinal na Solmux.

“It is something that we will definitely recommend to friends and family, lalo na ngayon na mas madalas tayong lumalabas at maki-halobilo, kaya mas lalong dapat makakasiguro na kung sakaling magkaubo, ay mabilis naman s’yang mapagaling,” dagdag pa Paolo.

Samantala, isa naman si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga tinuturing ni Suzi na malapit na kaibigan.

Si Mariel, na umaming siya ay isang OA, ay isang commercial model, endorser, host, VJ, aktres, online seller at asawa ng number 1 senator na si Robin Padilla. “Dahil nga I am an OA mom, I always research. Nakikisali ako, nakikipag-chikahan ako with fellow moms and sa mga mom groups. Kasali na dyan ‘yung na-share ni Mommy Mars Suzi na Solmux Advance with Zinc. Pinagsama para mas malakas at mas mabilis na gamot sa ubo,” pagmamalaki ni Mariel.

“Para sa mga OA mommy na tulad ko, ‘yung gustung-gusto natin ay yung mga ‘mas’ na ‘yan dahil gusto ko na mas protected ang kids ko. ‘Pag nagkakasakit, mas gusto ko na mas mabilis ang effect. Gusto ko mas mabilis magpagaling.”

Si Gino Roque naman ng Kamiseta Group of Companies ay nagmamay-ari rin ng kumpanyang apparel-turned-events na Forza. Pagkatapos maging housemate sa Pinoy Big Brother 8, nag-produce siya at nagbida sa romantic-comedy series na  Beauty and the Boss, kung saan nakasama niya si Elisse Joson at Pasabuy kasama ni Heaven Peralejo.

Bilang isang multi-hyphenate (o celebrity na may kaalaman sa iba’t ibang larangan), kailangang manatiling malusog ni Gino. “Mula nang magsimula ang pandemya, lahat tayo ay hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon sa loob ng mahigit isang taon. Lalo na sa pamilya ko, nakatira kami sa isang compound. Takot na takot sila lolo at lola kung marami kaming lalabas. Napakatagal na ng pandemic na ito. Ang ginawa namin, nag-adjust kami sa New Normal,” aniya.

Upang makatulong na mapanatiling ligtas ang sarili at maging ang kanyang mga kasamahan, nag-isip si Gino ng mga paraan kung paano pa mapapalakas ang kanyang immune system at upang mabisang labanan ang mga karamdaman, kasama na rito ang pagsunod sa payo ng kanyang doktor na uminom ng Solmux Advance.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with