^

PSN Showbiz

Kris, ‘di nakakalimot kahit may sakit

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, âdi nakakalimot kahit may sakit
Kris Aquino.

Talagang na-touched ako nang tumawag si Alvin na assistant ni Kris Aquino.

Ipinararating niya ang pagbati ng Happy Birthday at kung gusto ko raw ng S&R gift certificates dahil padadalhan niya ako.

Hindi ko inaasahan dahil alam ko na may health problem si Kris, medyo marami siyang inaasikaso at hindi madalas ang communication namin.

Pero talagang si Kris, isang very reliable person. Puwedeng hindi mo siya nakikita o nakakausap nang madalas, but she is always there, alam lahat ang nagaganap sa paligid. Kaya kahit sa friends niya na akala nalimutan na sila ni Kris magtataka ‘pag bigla na lang may note from her, or gift na ipinadala niya.

May moods si Kris pero hindi niya nalilimutan ‘pag may ginawa kang maganda para sa kanya. Actually worth it mahalin si Kris dahil marunong siyang mag-reciprocate ng love, mahal ka rin niya.

I am so grateful na all these years, kahit hindi kami nagkikita o nag-uusap, may certain way of communication kami na alam namin will always bind us together.

I wish na sana gumaling na si Kris, maging strong siya physically, emotionally stable, at always happy. Kahit wala na siyang lovelife, sapat na ang pagmamahal sa kanya ng dalaw niyang anak, sina Joshua at Bimby para maging kampante siya. Sapat nang maging strong and healthy siya to make everyone happy.

Mga nagkakaedad, tamad na sa sosyalan

Nagkaroon yata ako ng lunch fatigue, Salve. Na-appreciate ko naman ‘yung mga invitation for lunch, ‘yung time na gusto nilang ibigay sa akin, pero ewan ko ba, parang tamad na tamad ako mag-socialize ngayon, hah hah hah.

Siguro nga dahil 75 na ako parang nagkaroon na ako ng fatigue sa mga meeting at chikahan, or baka naman melancholic lang ako dahil marami na rin sa friends ko ang wala na.

Pero nabawasan man ang angels ko sa mundo, sigurado ako they were looking after me in heaven. Big bonus ang marating mo ang 75 na active ka pa at maldita pa na tulad ko.

Hindi ko nga akalain na buhay pa ako sa ganitong edad. May sariling buhay at hindi dependent sa iba. Siyempre nandiyan kasi ang friends na isang text o tawag lang, puwede mong asahan, angels mo na ibinigay sa iyo ni God. So thankful and grateful for my life. Thank you friends, and forever grateful, my God. Amen.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with