^

PSN Showbiz

Buhay nina Princess Punzalan, G Toengi, at Dagul ngayon, ipapasilip sa Wer Na U...

Pilipino Star Ngayon
Buhay nina Princess Punzalan, G Toengi, at Dagul ngayon, ipapasilip sa Wer Na U...
Princess Punzalan.

Nasaan na nga ba sina Princess Punzalan, Dagul, at G Toengi?

Aalamin ‘yan ng bagong show ng ABS-CBN na Wer Na U kung saan ibinabahagi nila ang kalagayan ng mga artista, singer, direktor at iba’t ibang pang personalidad na nakilala sa industriya ng showbiz.

Alamin ang buhay ng kilalang kontrabida na si Princess Punzalan na ngayon ay nakatira na sa Los Angeles, USA simula Mayo 17.

Matapos tumatak ang karakter niyang si Selena sa Mula Sa Puso, saan kaya siya dinala ng tadhana at paano kaya nagbago ang kinagisnan niyang buhay dito sa buhay niya sa US.

Isa rin sa mga kakamustahin ng programa sa darating na Mayo 24 ang sitwasyon ng komedyanteng si Dagul na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ang show nga niyang Goin’ Bulilit ay isa sa mga show na nagtapos noong 2020 dahil sa mataas na cases noon ng COVID-19.

Maantig sa kwento ng kanyang buhay ngayon at kung paano pa rin niya sinisikap buhayin ang pamilya.

Sa Mayo 31, buhay naman ng Gimik star na si G Toengi ang mapapanood ng viewers.

Sa ngayon, naninirahan din siya sa US kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Samahan siya sa pagbahagi niya ng kanyang piniling karera at pinagkakaabalahan nayon.

PRINCESS PUNZALAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with