Tatlong kongresista na nag-no sa franchise ng ABS-CBN, ‘di lumusot

Mayor Joy Belmonte.

Aww, hindi lang pala mga taga-Quezon City ang natuwa sa pagka­panalo ulit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Maging ang Kapamilya fans sa buong Pilipinas ay naki-celebrate nang talunin ng hardworking mayor ng QC ang isa sa mga dahilan ng pagpapasara ng ABS-CBN, si Mike Defensor.

Bukod kay Mr. Defensor, nawala rin sa posisyon sa katatapos na election ang dalawa pang kongresista na nag-no rin sa renewal of franchise ng ABS-CBN na sina former actress Precious Hipolito-Castelo and Onyx Crisologo.

Si Precious ay tinalo ni Ralph Tulfo (District 2) habang si Onyx ay pinataob ni Arjo Atayde bilang representative ng District 1 ng Quezon City.

Two years nang walang franchise ang ABS-CBN na malabo na raw talagang makakuha lalo na nga’t diumano’y uupong Department of Justice secretary si former Cong. Rodante Marcoleta sa papasok na administration na umatras sa pagka-senador bago nag-election.

Show comments