^

PSN Showbiz

Alfred at PM, nagbunga ang kasipagan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred at PM, nagbunga ang kasipagan
Alfred at PM.

Mabuti naman at parehong nanalo sina Alfred at PM Vargas. Naku, talagang nakita ko ang pagiging big brother ni Alfred kay PM noong kampanya. Very protective at very sensitive siya para sa kapatid.

Kaya ngayon pa lang alam ko na na babantayang mabuti ni Alfred ang trabaho ng kapatid niya. Babantayan niya lahat ng puwede niyang itulong para matiyak na maibigay ni PM ang tamang trabaho at resulta bilang kongresista ng District 5 ng Quezon City at kapalit ni Alfred na nanalo naman ngayong councilor sa nasabi ring distrito.

Ngayon naman siguro puwede nang harapin ni Alfred ang acting career niya dahil nagtagumpay na sa pangarap niya si PM.

Mas magaan na kasi ang trabaho ang isang councilor kesa isang kongresista.

Maganda ang closeness nilang magkakapatid. Stronger together.

BBM at Sara, sakto ang kumbinasyon

Napatunayan na naman nitong election ang ‘people chemistry’. ‘Yung dapat bagay at tama ang timpla sa bawat bagay.

Maganda ang combination nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Nakatulong sa isa’t isa ang kanilang personalidad, tamang-tama ang kumbinasyon nilang dalawa.

Kaya tanggapin natin na sila ang pinili ng tao, sila ang nanalo.

Bigyan natin ng chance na ipakita nila ang puwede nilang gawin para sa bayan. Anim na taon lang iyon at sandali lang para sa bago na namang adminis­tration.

Kaya hindi tayo umuusad, inuumpisahan agad natin ng negativity ang mga pangyayari. Hintayin natin, allow them to show their worth. Maliwanag na sila ang pinili base sa mga unofficial and partial results na halos 100% na.

Maging sport naman tayo na tanggapin kung ano ang gusto ng mas marami.

Huwag na tayong maging kontrabida pa at maging hadlang sa kung anuman ang mga puwede nilang gawin para sa atin.

Tanggapin natin with open arms ang bagong leadership nina BBM at Sara Duterte.

Malay natin maging maganda ang resulta ng pagpili sa kanila ng mas marami.

Ayaw nila ng pink, mas gusto nila ang matingkad na pula, ano pa ang puwede nating gawin, gawing pula ang paligid na merong berde, baka mas maganda ang kalabasan nito para sa ating lahat.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with