Vic, proud father kay Mayor Vico

Vic, Tali at Mayor Vico.

Proud father talaga si Vic Sotto. Landslide ang resulta ng mayo­ral fight sa Pasig, winner talaga si Vico Sotto na maganda naman talaga ang ipinakitang performance sa una niyang pag-upo pa lang as Mayor.

Kaya nga maganda ang political career ni Vico, inaasahan na mas mataas pa ang magiging posisyon niya sa bayan natin.

At marami rin ang nakabantay sa kanyang lovelife.

Achiever talaga siya dahil lahat nang hinahanap ng isang magulang sa anak nila, dala ni Mayor Vico.

Congrats to Vic and Coney Reyes for having a brilliant son like Vico.

Robin, kailangan ng consultant at lawyers

Nagulat ang lahat na number 1 sa partial and unofficial report ng Comelec si Robin Padilla. Pinatunayan talaga na iba pa rin ang name recall, at malakas ang backup ng Muslim community sa kanya.

Sana nga ay may mapatunayan si Robin sa Senado, sana nga ay kumuha siya ng mga mahusay na consultant at lawyers na magiging guide niya para maging maganda ang resulta ng panalo niya.

Makikita iyan sa magiging performance niya, hindi makukuha sa porma ang magiging trabaho niya dahil ngayon binabantayan na talaga ng tao ang ginagawa ng public officials.

‘Yung mga pa-cute niyang dialogues, hindi na magiging effective kundi sasabayan ng trabaho sa Senado.

Maganda ang naging dating ng political ads niya kung saan kasama niya sina Papa Digong at Alan Peter Cayetano. Malaking tulong din na lagi ay nasa media sila ni Mariel Rodriguez. Ngayon, trabaho na para kay Robin, ipakita niya na hindi nasayang ang boto ng tao sa kanya.

Show comments