^

PSN Showbiz

Sexy actress at male celeb, naitago ang pandemic baby!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sure na sure ang aming reliable source na nagka-baby ang kilalang sexy actress sa matagal na niyang karelasyon na kilalang male celebrity.

Matagal na silang natsitsismis pero wala silang sagot tungkol dito. Basta iniiwasan na lang nila ang isyu.

Kaya inaasahan ding iiwasan nila ang kuwentong may baby na sila, dahil wala pa nga silang inaamin sa kanilang relasyon.

Hindi lang alam ng aming source kung boy o girl ang baby, pero nagawa raw kasi nilang itago dahil nga nasa pandemic tayo, at lockdown dahil sa COVID-19, kaya naka-quarantine lang talaga sa bahay hanggang sa nakapanganak.

Kung napapansin daw sa ibang kuha niya sa ilang vlogs, kapansin-pansin na medyo tumaba raw ito. Kasi kapapanganak lang daw nito noon.

Sila pa rin daw nitong kilalang male celebrity, at mas in love pa nga raw nang bonggang-bongga si sexy actress na kapag magkasama sila ay pinapa-cancel na ang mga lakad ni male celebrity.

Hindi lang kami sure kung nagsasama na ba sila ngayon sa iisang bubong o nagkikita lang nang madalas.

Budol, ginamit na ang totoong pangalan

Mukhang pinahaba na ang role nina Buboy Villar at Herlene Budol bilang sina Malakas at si Maganda sa kasisimula lang na False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim.

Maganda ang feedback sa pilot episode nito nung Lunes, at may live stream pa ito.

Kaya napapanood ito kahit nasa ibang bansa, basta may internet connection lang.

Hanggang Biyernes itong mapapanood sa YouTube channel ng GMA Network.

Hindi maitatangging interesting item ngayon si Herlene Budol, at rater naman talaga siya sa TV shows.

Sabi ng direktor ng False Positive na si direk Irene Villamor, masaya raw ang atake nila rito sa karakter nina Malakas at si Maganda.

“Bagong tingin kina Malakas at Maganda, nag-aaway pala sila,” natatawang pakli ni direk Irene.

Sayang nga at hindi nakakatulong si Herlene sa promo nito dahil naka-focus na siya sa training sa Binibining Pilipinas.

Napanood ko nga sa interview sa kanya sa YouTube Channel ni Ogie Diaz, sinabi niyang Nicole Budol na raw ngayon ang gagamitin niyang pangalan, dahil ito naman talaga ang tunay niyang pangalan at gagamitin sa Binibining Pilipinas.

Pang-showbiz na raw ang Hipon girl niya.

“Kasi po sa school, Budol po ang tawag sa akin, ang surname ko po. Tapos sa amin po sa barangay po namin Herlene po. Sa TV po, Hipon po. Ngayon po sa pageant industry po, ako naman po ‘yung totoong ipapakita ko po si Nicole Budol po,” saad ni Nicole Herlene Budol o si Hipon Girl.

John Lloyd, pinabalik si Julie Anne

Nasa Boracay pala ngayon si John Lloyd Cruz at ang buong team ng Happy ToGetHer para sa kanilang summer episodes.

Keri nilang gumastos nang bonggang-bongga dahil ang ganda naman kasi ng ratings nila na consistent na mataas.

Kasama roon na guests nila na sina Julie Anne San Jose, Max Collins at si Coleen Paz na bahagi na rin sa Apoy sa Langit.

Isa sa pinakagusto ni Lloydie ang episode na kung saan nag-guest si Julie Anne, kaya pinabalik ito.

Hindi ko lang alam kung ‘yun pa rin ang role niya na isang artistang na-link sa karakter ni John Lloyd.

Mas bongga nga kung si Julie Anne na ang magiging regular na leading lady ni Lloydie sa sitcom na ito.

Sa totoo lang, strength talaga ng Kapuso network ang mga sitcom, kaya maganda ang rating nitong Happy ToGether, consistent ding rater ang Pepito Manaloto, kaya abangan natin itong bagong sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na magsisimula na sa May 14.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with