Ria, natural ang pagiging aligaga!

Ria Atayde.

Nagkatrabaho sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa iWantTFC series na Misis Piggy. Matatandaang huling nagkasama ang mag-ina sa teleseryeng Ningning noong 2015.

Ayon kay Ria ay talagang malaki ang pagkakaiba ng kanilang proyektong nagawa ngayon. “It was easier than I thought it would be. I was really dreading it at the start. Pero when it happened, ‘yung mga unang eksenang binigay sa amin iyakan. Emotional scenes are the hardest usually and then with my mom pa. So I was like, ‘Oh my God! Can I cry in front of my mom?’ then no’ng unang take pa lang, tama naman na. So it made the whole experience easier,” kwento ni Ria.

Mag-ina rin ang ginagampanan nina Sylvia at Ria sa bagong serye kaya mas naging madali raw ang kanyang trabaho ayon sa dalaga. “I don’t have to think na nanay ko siya kasi nanay ko talaga siya, di ba? Mas madali siya in that sense. In my first show Ningning, lola siya ni Ningning and teacher ako ni Ningning. This time more than being my mom on the set, we’re able to have a professional relationship din. Like she really gave me my space and I really appreciated that. It really helped with what we were doing na. As much as she is my mom, she treated me like an actress more than anything and I appreciate that,” pagbabahagi ng dalaga.

Kapatid ni Ria sa bagong serye sina Elijah Canlas at Iana Bernardez. Para kay Ria ay malapit din sa kanyang puso ang kanyang ginagampanang karakter bilang si Lani. “It terms of handling responsibilities with the family, sobrang close to home. So no’ng sinabi ni direk na, ‘Aligaga ka dito,’ ang sabi ko, ‘Ay! No problem, it comes naturally.’ In terms of being defiant sa nanay, ‘yung sumasagot talaga, I try not to kasi medyo matindi ‘yung kalaban ko in real life eh. Medyo let’s not try at home ha-ha-ha! Pero in terms of the love for the family and putting the family first, I can relate hard. A lot of Filipino women can relate hard. Our tradition and our culture is that girls serve the family,” paliwanag ng aktres.

Elisse at Mccoy, handang tumambal sa iba

Kahit nasa magkaibang talent management ay hindi naman nagkakaproblema sa pagitan nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Nasa pangagalaga na ng Viva Artists Agency, Inc. ang aktor simula noong 2020 habang nasa Star Magic pa rin si Elisse. “Nagsabi din naman si McCoy ng decision niya and naisip ko na lang at that time kung anong best for him na decision to make, support lang ako. Pagdating sa projects namin together, sabi namin kung magkakaroon, magkakaroon ‘yan. Hindi naman hadlang ‘yon na nasa ibang management or ibang network. Kasi from the past din madami na tayong nakita na people can work with each other even from different sides of the world, even different networks,” paliwanag ni Elisse.

Isang taong gulang na ngayon ang anak ng magkasintahan na si Felize. Wala raw umanong problema kay Elisse kung sakali mang magkaroon sila ng kanya-kanyang katambal ni McCoy sa mga susunod na proyektong gagawin. “Lagi naming pinag-uusapan ni McCoy na when it comes to projects, kapag maganda ‘yung binigay na materyal, story-wise, character-wise, lagi naming iko-consider and ang difference lang ngayon, we have to consult each other kasi meron na nga kaming baby and we’re starting our family. ‘Yon lang ‘yung difference pero we tell each other na open kami lalo na kung growth naman naming bilang actors ‘yon,” pagbabahagi ng aktres. Reports from JCC

 

Show comments