^

PSN Showbiz

Sampung kabataang filmmakers, tumanggap ng P100,000

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sampung kabataang filmmakers, tumanggap ng P100,000
Liza.

Sampung kabataang filmmakers ang napili bilang lumahok sa 5th edition ng Sine Kabataan Short Film Lab and Festival.

Bawat isa ay nakatatanggap ng P100,000 bilang pondo sa produksyon ng kanilang mga short film.

Ang Sine Kabataan ay isang kompetisyon para sa mga kabataang filmmaker na binuo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagsisimulang filmmakers na ipakita ang kanilang mga talento at tulungan na rin silang linangin pa ang kanilang potential sa pagkukuwento habang binibigyang pansin ang mga isyu na nararanasan ng mga kabataan sa kasalukuyan.

Ang 20 shortlisted na mga story concept ay dumaan sa matinding online Story Development Lab. Binigyan din ang filmmakers ng training kung paano buuin ang messa­ging at branding ng kanilang mga proyekto sa Pitching Lab.

Pagkatapos ng Sine Kabataan Pitching Showcase noong Marso 27, ang Selection Committee na binubuo nina Director JP Habac, Producer Armi Cacanindin, at FDCP Executive Director Ria Anne Rubia ay pumili ng 10 finalists mula sa 20 na proyekto.

Ang mga finalist ay sumailalim sa Safe Filming Lab kasama ang mga finalist ng CineIskool, isa pang proyekto ng FDCP para sa mga kabataang filmmaker, noong Abril 2. Ang sampung Sine Kabataan finalists ay sasailalim din sa Editing Lab bago ang kanilang final showcase sa 2022 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang banner project ng FDCP.

“In order for our young and aspiring filmmakers to flourish in this industry, we need to equip them with the necessary tools and skills to further develop their craft and provide the platform where they can share their projects. This is what Sine Kabataan is keen on providing through its platform and intensive film labs. This year, we are proud that the selected finalists chose to tackle relevant issues to the youth using their fresh perspectives. Congratulations to our young filmma­kers, we hope that this experience will jumpstart their filmmaking journeys,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Ang sampung napiling proyekto mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay tumatalakay sa mga temang coming-of-age, usaping panlipunan, digital technology, at isyung pangkalikasan. Kabilang sa lineup ngayong taon ang entries na may animation, mixed media, at mixed live na format.

Ang ikalimang edisyon ng Sine Kabataan film labs at festival ay idaraos nang hybrid format. Idinaos online ang nakaraang dalawang edisyon nito at ipinalabas nang libre sa FDCP Channel ang festival.

FDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with