^

PSN Showbiz

Erich, kasal na sa bilyonaryo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Erich, kasal na sa bilyonaryo
Erich at Mateo
STAR/ File

Hacienda luisita pag-aari ng pamilya...

MANILA, Philippines — “Suwerte niya,” reply ng isang ka-viber ko tungkol sa ginanap na kasalan nina Mateo Lorenzo and Erich Gonzales the other day.

Super rich kasi raw talaga ang pamilya ng mister na ngayon ni Erich. “Their family bought Hacienda Luisita (6,453-hectare sugar plantation sa Tarlac),” banggit pa ng source. Though naganap daw ang bilihan prior to pandemic pa.

Dating pag-aari ng mga Cojuangco ang nasabing lupain pero nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na ipamahagi ito at ngayon ay  naibenta na pala.

Anyway, last February nang kumalat ang kanilang ‘marriage banns’ na nasa bulletin board ng Saint James the Great Parish sa Ayala Alabang na noong March 23 nga ang petsa ng kasalan.

Ang kapatid ni Mateo na si Basti naman ang boyfriend ni Claudia Barretto.

Ang mga magulang nito ay sina Martin Ignacio Lorenzo at Maria Leah de Leon at isa diumano si Mateo sa 12 na anak ng mag-asawa.

Bukod sa agri-business sa Tarlac, malawak diumano ang food / restaurant business ng pamilya ng napangasawa ni Erich kung saan meron daw silang 50 branches ng iba’t ibang resto.

Very conservative at Opus Dei rin daw ang in-laws ngayon ni Erich.

Maaalalang ang mister na ngayon ni Erich ang sinasabing producer ng pelikula ng aktres noon na We Will Not Die Tonight, isa sa entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ito rin ang napabalita noon na dumadalaw kay Erich na naka-private plane na binanggit ni Kris Aquino at sinasabi ngang isa sa pinakama­yaman ang pamilya sa bansa.

Common knowledge ang buhay ni Erich bago siya naging artista at sumikat sa ABS-CBN pero ito siya ngayon, kapamilya ng bilyonaryo.

Hindi kahit kailan nabanggit ni Erich sa social media ang tungkol sa relasyon nila at never din siyang nag-vlog tungkol dito.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with