^

PSN Showbiz

Bea, tinalbugan ang super duper Mega Star for All Season!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natawa ako, Salve, nang mabalitaan ko na pinaalis ni Shirley Kuan ang pangalan ko sa invited press people na imbitado sa Bea Alonzo Beautederm launch. Si Shirley ang manager ni Bea.

Bongga! I feel so important. Imagine, hindi ako maimbita sa importanteng launching ng super duper mega star of all season na si Bea Alonzo!

My God, dapat na akong mag-quit sa showbiz? Non-entity ako sa regal queen ng showbiz, na magpapayaman sa mga production na pupuntahan niya, na baka maging jackpot ang kitain ng Beautederm dahil endorser nila ang maganda, walang kulubot, napakakinis na si Bea Alonzo.

Wow! Talbog niya lahat, puwede siyang mamili ng writers na invited sa presscon na hindi naman siya ang magbabayad ng kakainin, at sana nga makuha niya na tumaas ang dati nang mataas na sales ng Beautederm.

Mabuti na lang at mabait si Rhea Tan, super duper ang PR ni Chuck Gomez, at dati nang number 1 ang Beautederm.

Ewan ko kung may maitutulong pa ang may edad na at hindi naman ganun kalakas na endorser na tulad ni Bea Alonzo.

At lalo pa siyang madaragdagan ng wrinkles dahil sa stress niya na dapat hindi invited sa mga presscon niya ang mga writer na ayaw niya.

Bad ‘yung may itinatago kang stress, bawas ganda iyon, dapat iwasan ni Bea Alonzo. Hindi bale, sure ako kay Bea Binene invited ako, mas bata at maganda naman siya kesa kay Bea Alonzo, kahit itanong mo kay Julia Barretto na sure ako yes agad si Gerald Anderson. Hah hah hah.

Mga artista, malakas pa rin sa political rally

Ang dami rin ngayong mga artista na sumasama sa political rally.

Si Randy Santiago ang host sa mga rally ni Bongbong Marcos. Sina Jolina Magdangal, Robi Domingo at Julia Barretto naman ang nasa kampo ni VP Leni Robredo.

Tiyak na meron ding artista sa rally ni Ping Lacson dahil andun si Tito Sotto.

Hindi rin naman mawawalan si Manny Pacquiao.

Nakakatulong din ang presence ng stars dahil pumupunta ang ilan para lang makakita ng artista.

The bigger the star lalo pa ngang darami ang crowd.

Sana nga lang talagang ‘yung mga sumasama sa mga kandidato naniniwala rin sa ipinaglalaban nila, dahil kahit papaano matatandaan mo na sinamahan ito ni ganito o ganun na star.

Sana rin kahit papaano na-compensate ang pagod nila sa pagtulong sa candidate na dinadala nila.

May mga balita na merong malalaki ang tinanggap na TF at buhay na buhay dahil nga kumita nang malaki. Sa ganitong pagkakataon kasi, hindi mo alam kung ‘yung binitiwang salita ng artista totoo o dahil lang sa laki ng tinanggap na TF mula sa kandidato.

So nasa botante na ang pagpapasya kung maniniwala siya o hindi. Vote wisely.

At ‘pag nakikita ko ‘yung mga rally, parang meron palang ganun karaming tao na pumupunta pa sa political rally sa panahon ngayon. Siguro nga talagang sabik ang tao sa crowd kaya kahit pa nga delikado sa health ang ganun karaming crowd, talagang pupunta ka.

Meron ding psychological advantage na makita mong ganun kara­ming tao, kasi nga you get the feeling na suportado ka. Magandang tingnan ‘yung halos hindi mo mabilang ang pumupunta sa isang rally. Biruan nga na dahil andun na lahat ng botante, may nanalo na, huwag nang hintayin ang eleksyon.

Sana nga lahat ng nandu’n sa rally botante, hindi nag-usyoso lang at tumingin.

Exciting talaga ang presidential election dahil anim na taon na hahawakan ng leader na iboboto natin ang bayan natin ngayon na ang daming problema.

Hindi lang economy, pati health at education, security, lahat iyan dapat ayusin ng mananalo ngayon na sana kayanin ng powers niya para gumanda na ang bayan natin.

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with