Conservative na netizens, pinayuhan si Ellen  

Ellen.

Mixed ang reaction ng netizens sa photo dump ni Ellen Adarna ng kanyang ‘diet’ pagkatapos ng kanilang bakas­yon sa Africa.

Selfie sa mirror ang nasabing post ni Ellen  habang hawak ang boobs dahil ang ganda nga naman ng katawan niya at may karapatan naman siyang i-flaunt ‘yun.

Aniya may once a day meal replacement siya “5th day progress on @xmealph once a day meal replacement diet (kinareer ko na guys to balance out everything i ate when i was on vacation),” sabay promote ng produktong ginagamit niya para maka-diet.

Maraming napa-wow pero may ilang conservative na nag-comment na sana raw since may asawa’t anak na siya, dapat ay hinay-hinay na lang siya lalo na at minsan na niyang sinabi na mahilig magdakma ng boobs ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

“My son has this habit of grabbing boobies out of nowhere so i make sure and secure them that they dont just pop out easily esp when im around my super physically active family,” sagot niya sa isang tanong noon kung bakit parang iisa ang suot niyang bikini na katuwiran niya pa ay sagging ang breasts niya due to breastfeeding.

Show comments