Cebuana na si Tracy Maureen Perez nagtapos sa Miss World 2021 top 12

Litrato ni Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez
Mula sa Facebook page ng Miss World Philippines Organization

MANILA, Philippines — Nakapasok sa top 12 si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa pagpapatuloy ng naturang patimpalak sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Puerto Rico.

Huwebes (oras sa Pilipinas) nang bigong makalusot si Tracy, isang 28-anyos na industrial engineer mula Cebu City, sa top 6 contenders ng patimpalak dahilan para hindi niya maiuwi ang korona ngayong taon.

Ipinanganak bilang premature "miracle baby," pinalaki si Tracy nang mag-isa ng single-mother na si Chona Perez ngunit pumanaw rin ang huli taong 2010.

 

 

 

Matatandaang 13 ang nakapasok sa "top 12" ng Miss World ngayong taon, matapos magkaroon ng tie. — may mga ulat mula sa Interaksyon

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

Show comments