Tom, nalimas ang life savings sa scam?!

Tom.

Marami pa naman daw napangakuan ng tulong...

Wala pang official statement si Tom Rodriguez pero may kakilala itong nagkumpirma na na-scam nga diumano ang life savings ng Kapuso actor sa isang business venture.

Limas, as in na-zero balance diumano ang mga ipon nito kaya ngayon daw ay pinipilit ng actor na bumangon.

Kaya sana raw ay tigilan na ang actor sa isyung may third party sa kanila ng misis na si Carla Abellana dahil nakakaawa na raw ang actor ayon sa isang kakilala nito.

Ang tanong lang nila, magdemanda kaya si Tom? Kaya nga raw lahat ng trabaho ay tinatanggap na ng actor.

Maaalalang nag-file si Tom ng certificate of candidacy bilang first nominee sa AMP (Anak Maharlikang Pilipino) partylist na diumano ay kakatawan sa marginalized sector ng construction workers pero hindi ito nakasali sa final list ng Commission On Elections.

Second nominee sa AMP si Billy James Renacia, na dating napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang siste, meron na diumanong napangakuan ng tulong si Tom pagkatapos nitong mag-file ng certificate of candidacy dahil nga nag-expect itong magkakaroon ng malaking return of investment at makakatulong ang kanilang partylist group.

At hindi lang daw isa ang napangakuan, may ilan daw siyang kinausap tungkol dito.

Kailan kaya magsasalita si Tom tungkol dito?

Pinagdududahang ito ang diumano’y rason sa biglaang hiwalayan nila ni Carla Abellana matapos silang ikasal last October.

Nagbebenta na rin si Carla ng kanyang condominium ng palugi base sa kanyang post pero walang banggit kung konektado ito sa sinasabing pinagdaraanan ng aktor.

Mga nagpasara ng ABS-CBN ginagawang makakalimutin ang Kapamilya, iniiba ang totoong kuwento

Grabe, pathetic, ‘yung ibang mga nagpasara sa ABS-CBN. Ngayon, parang wala na silang tinanggalan ng trabaho.

Iniiba na nila ang mga pangyayari as if wala silang kasalanan sa mga gustong maghanap-buhay na Kapamilya nang ipaglaban nilang ipasara ang network.

Parang tinanggalan mo na nga ng trabaho pero dahil desperado ang ibang pulitiko, ginagawa pang bobo at makakalimutin ang mga Kapamilya.

Kakalungkot na may ganitong pulitiko para lang mapansin at pag-usapan sila.

Fresh pa sa memory ng Kapamilya workers ang ginawa ng mga pulitikong ito.

Kung sabagay, sinong normal na tao ang basta-basta makakalimot sa mga nangyari.

‘Yung paggising nila sa umaga, laging iniisip ng mga nawalan ng trabaho kung paano nila pakakainin ang kanilang pamilya.

At hindi lang basta ganun, ‘pag umapak ka sa ABS-CBN compound mapapatanong ka, kumusta na kaya ang mga tindera sa convenience stores ng nasabing building, mga janitor, security guard, all the way sa kaliit-liitang manggagawa at ang staff ng mga establishment around the area na natanggalan ng hanap-buhay sa ginawa nilang pagpapasara?

Hay nawalan na nga ng hanap-buhay, ayan parang gusto pang gawing makakalimutin ang mga Kapamilya.

Show comments