^

PSN Showbiz

Arjo, forever na gustong kasama si Maine sa lahat ng birthday

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Arjo, forever na gustong kasama si Maine sa lahat ng birthday
Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Bistadong magkasama ang showbiz couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa 27th celebration ng Phenomenal Star.

Misleading kasi ang post ni Meng sa kanyang Instagram. Solo ang picture niyang may hawak na champagne glass.

Pero sa picture naman na pinost ni Arjo sa kanyang IG, magkasama silang dalawa dahil pareho ang suot at kulay ng damit ni Meng, huh!

Super sweet naman ang message ni Arjo sa caption na gustong makasama si Maine sa lahat ng birthdays niya!

Kokoy, nag-drama

Nasorpresa ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos nang sabihin sa kanyang bida siya sa episode ngayong gabi ng Magpakailanman na Mark Joseph Aga Casidsid :The Blind Runner.

“Sigurado kayo? Siyempre, Magpakailanman ‘yon. Nakaka-proud! Mahirap nga lang kasi bulag ako. Wala talaga akong makita. Nadadapa-dapa nga ako at waiting ako sa cue ng dayalog ng kasama ko sa eksena. Mahirap pero masarap at drama naman itong makikita nila sa akin,” saad ni Kokoy sa virtual interview niya.

Sa ngayon ay comedy ang shows ni Kokoy, ang Pepito Manaloto at Bubble Gang. “Naku, kahit sino, kaya basta magsikap ka lang, tiwala kay Lord. Never ending process ‘yan. Ako gutom pa rin sa bagay-bagay ‘wag sumuko dahil ako, muntik nang sumuko!” pahayag ni Kokoy.

Lalabas na ina ni Kokoy sa MPK si Snooky Serna.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with