^

PSN Showbiz

Mister ni Toni na si direk Paul, nagka-amnesia sa pelikulang Kid Kulafu?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mister ni Toni na si direk Paul, nagka-amnesia sa pelikulang Kid Kulafu?!
Sen. Manny at direk Paul.

Pinapa-remind ng ilang followers and friends ni Sen. and presidentiable Manny Pacquiao kay Direk Paul Soriano ang pelikulang Kid Kulafu (2015).

Six years ago nang gawin nito ang nasabing pelikula starring Buboy Villar.

Pinuntahan pa diumano ni Direk Paul ang boxing champion sa Amerika para sa pelikulang ito na tinalakay ang kabataan ng legendary boxing champion hanggang sa panahong sumasali-sali pa si Pacman sa mga amateur boxing tournament.

At puring-puri pa raw nito si Pacman at sinabi nito sa isang interview na kung ano man ang natutunan nito sa boxing, naisalin daw ng Pambansang Kamao sa iba pang aspeto ng kanyang buhay. At kapag daw nakatutok ito sa isang bagay, ginagawa nito ang lahat para makuha iyon.

“He gave permission, I had to ask permission, he could have easily said no, but you know, he gave me that trust. And making the film, it was really one of the hardest things I’ve ever done in my life and I think I’ve matured as a person, as a filmmaker after this movie,” aniya pa sa interview ng push.com na may nagpadala sa akin.

Ang Star Cinema and Ten17 Productions ni Direk Paul ang producer nito.

Common knowledge rin daw na ang father ni Direk Paul na si Jeric Soriano ang pastor ni Sen. Manny at nagkaisyu pa nga naman noon nang mapansing hindi na nag-sign of the cross ang boxing champion at walang suot na rosary sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez kaya ito natalo.

At ‘pag nagta-travel daw ito, kasama pa ang ilang miyembro ng pa­milya.

Napaisip lang daw ang nasabing ibang followers and friends ng kumakandidato ring presidente ng bansa ngayon, ‘di man lang sila naalala ng ilang dating taong pinagkatiwalaan nila noon.

Pinapa-remind nila ang gratitude and loyalty etc.

Si Direk Paul at ang misis niyang si Toni Gonzaga ay abala ngayon sa kampan­ya ng grupo ni former senator Bongbong Marcos dahil kamag-anak diumano ng director si Atty. Liza Marcos.

Hmmm, baka naman nalugi si Direk Paul sa Kid Kulafu kaya kinalimutan niya at animo’y nagka-amnesia siya tungkol dito?

PAUL SORIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with