^

PSN Showbiz

Toni at Paul, ‘di kayang tumanggi sa trabaho

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Toni at Paul, âdi kayang tumanggi sa trabaho
Paul at Toni
STAR/ File

May tsismis sa showbiz na buwisit kung hindi man galit ang ilang showbiz workers at personalities sa mag-asawang Toni Gonzaga at direk Paul Soriano, huh!

‘Yun ay dahil sa involvement nila sa UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte! As we all know, si Toni ang naging host sa proclamation nina Marcos at Duterte sa Philippine Arena.

May balita namang si direk Paul ang nagdirek ng TVC ng dalawang kandidato.

Naku naman, isyu ba ‘yan? Trabaho ‘yan. Hindi naman nila alam ang political inclination ng dalawa. Involved man sila sa Marcos-Duterte campaign, hindi naman natin alam kung iboboto nga ng mag-asawa ang dalawa!

Magsitigil nga kayo sa pambibira  kina Paul at Toni! Hayan, nawalan tuloy ng trabaho sa Pinoy Big Brother si Toni!

Willie, hinihintay na ang pahayag

Malamang na mataas ang ratings ngayon ng Tutok To Win ni Willie Reviilame!

Una, last day na sa GMA ng kanyang show. Pangalawa, magsasalita na siya kaugnay ng pagkawala nila nito sa ere at sa balitang lilipat siya sa broadcast network ni Senator Manny Villar.

Sari-sari nang balita ang naglalabasan kaugnay ng show ni Willie kaya kailangan na niyang magsalita, huh!

Basta nabanggit niya sa isang episode ng show, “Mawawala na kami sa ere!”

PAUL SORIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with