Dating sikat na aktres, nakakaranas ng depresyon sa babaerong asawa

Nagkakaroon ng depression ngayon ang isang dating sikat na female sexy star, ang dahilan ay ang kanyang asawa na ang sinasabi niya ay may bagong “babae” na naman.
Hindi naman niya magawang makipaghiwalay dahil sinabi na sa kanya na hindi niya madadala ang sino man sa kanilang mga anak kung aalis siya ng kanilang tahanan.

Kung kani-kanino siya umiiyak at nagsasabi ng kanyang nararanasan, pero palagay namin mas mabuti na iyon kaysa sa sarilinin niya ang problema at may maisip pa siyang gawing mas masama.

Pero ang mga taong may depression na kagaya niyan ay hindi dapat iwanang nag-iisa. Napakarami pa namang kaso ng suicide ngayon.

Third party kina Kylie at Aljur, hindi na nadiskubre

Ang akala natin tuluyan na ngang natapos ang mga usapan tungkol sa diumano ay pagkakaroon ng third party sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Hindi mo nga maintindihan kung sino ba ang nagsimula, dahil ang usapan tungkol diyan ay nagumpisa nang sabihin ng tatay ni Kylie na hiwalay na nga sila ni Aljur at natural na ma-attract ang isang lalaki sa iba.

Gumanti rin ang ibang mga tao sa pagsasabing si Kylie ang unang nagkaroon ng third party.

Hanggang nakukunan pa ng video na kasama ni Aljur si AJ Raval sa isang supermarket pero iginiit ni AJ na hindi siya ang third party dahil nang manligaw sa kanya si Aljur ay split na diumano ang mag-asawa.

Sumawsaw pa noon ang ina ni AJ.

Pero biglang nawala ang nasabing isyu nang magpahinga si AJ sa kanyang Instagram account habang sunud-sunod ang naging sexy movie niya na talagang hubaran na.

Eh kung sila kaya, papayag sa ganun si Aljur?

Kaya lahat nang ‘yun ay nanatiling ispekulasyon.

Kasalukuyang silang nanahimik sa totoong nangyari sa kanila alang-alang diumano sa mga anak.

At ang naririnig lang nating nagsasalita tungkol sa kanila, si Robin Padilla, ama ni Kylie kung saan nga nilinaw niya ang ibig sabihin na natural sa lalaki ang nambababae.

 “’Yung gumagawa ng isyu na ‘yan ay hindi niya napanood ang buong interview. Kasi kung napanood niya ang buong interview, ang sinasabi kong una, ‘yung cheating na ‘yan ay hindi pagnanakaw ‘yan,” simula ni Binoe.

“Ang cheating, tumingin ka lang sa isang babae, sa Islam kasi cheating na ‘yun kahit wala kang ginawa, basta nag-isip ka, cheating na ‘yon,” aniya.

Aksidente ni Diether, naalala si Francis M.    

Walang sinasabing kasama si Diether Ocampo sa sasakyan, at walang makapagsabi kung saan siya nanggaling nang makabangga siya ng truck ng basura sa Osmeña Highway noong Biyernes ng gabi. Pero may ilang witness na nagsabing mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan at maaaring dahil sa bilis niya ay hindi na niya naiwasan ang truck nakaka-hazzard diumano service road, dahil naghahakot ng basura.

Wala naman daw nasaktang ibang tao sa nasabing aksidente, pero ang sasakyan ni Diether malaki ang damage.

Kung natatandaan ninyo, isa ring aksidenteng ganyan ang nangyari kay Francis Magalona noong araw sa Quezon City, at siguro nga, kailangang isipin ang pag­lalagay ng maliwanag na ilaw sa likod ng mga slow moving vehicles, kabilang na ang mga truck ng basura para mas maging visible sila sa ibang motorista lalo na kung gabi.

Show comments