^

PSN Showbiz

FPJ, nawala na sa Probinsyano?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

For the first time simula noong mag-off the air ang ABS-CBN, noong mag-expire ang kanilang franchise, tinalo raw ulit ng serye ni Coco Martin ang kalaban niyang serye ni Heart Evangelista, pero .6 percent lang naman diumano ang kanyang lamang. Ang report ay batay sa isang survey ng AGB-Nielsen, pero iyon ay combined audience ng Zoe TV na tinatawag nilang A2Z, TV5, at ng Kapamilya Channel sa cable, at iba pa nilang internet streaming.

At nangyari iyan, ngayong papatapos na ang serye ni Heart.

Papalit sa I Left My Heart in Sorsogon ang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na First Lady, sequel ng First Yaya.

Nakatapat na ni Coco ang First Yaya, at lumaban ito sa kanya kung ang usapan ay rating.

Bago ulit ang kuwento nina Sanya at Gabby, bagama’t  sequel lang ito.

Iyong kay Coco, anim na taon nang nasa ere, pero nabawasan sila ng audience nang mawala nga ang franchise ng ABS-CBN.

Pero may observers na nagsasabing mukhang nagkakaroon na rin ng “sawa factor” pagkatapos ng anim na taon ni Coco, lalo na nga’t kung iisipin sanga-sanga na ang kuwento sa pelikula noon ni FPJ.

Hindi na nga raw matatawag iyong FPJ’s Ang Probinsyano, dapat ay Probinsyano Coco Martin version.

Pero nakakita sila ng solusyon, kung makukuha nga pala nila ang combined audience ng kanilang mga outlet, lalo na ngayong nadagdagan pa ang provincial relay ng TV5, puwede pala silang lumaban kahit na wala silang franchise at lumabo pa lalo nang ibigay na sa iba ang kanilang frequencies.

Dating FA, singer at songwriter na

Nagulat rin kami nang una naming makita si Pat Cardoza sa kanyang media conference. Talaga bang singer-songwriter siya o artista?

Aba eh napakagandang bata ni Pat na dati palang flight attendant ng PAL, at ngayon nga ay pumapasok sa music industry, hindi lamang bilang singer kundi songwriter din.

Kung iisipin na nakalusot siya kay Baby Gil, na hindi lamang isang music critic kundi writer-composer din ng malalaking hit songs, aba matindi siya.

Nai-release na ng Viva Records ang kanyang unang single na Kailan Ka Babalik, at pinasisimulan na ang kasunod niyang kanta.

Bukod doon bilang songwriter naman ay pinagawa na rin siya ng theme song na ginamit sa pelikula at pinaglagay ng lyrics sa theme song ng isang Korean series din.

Natutuwa naman si Pat dahil ngayon nga ay nagkaroon siya ng panibagong pinagkakaabalahan dahil nagpahinga muna siya bilang flight attendant dahil cancelled naman ang marami nilang flights dahil sa COVID, at siyempre ang naiwan ay iyong mas senior sa kanilang trabaho.

Isa pang mapapansin mo kay Pat, magaling siyang magsalita.
Kung sabagay sanay iyang makiharap sa tao dahil sa kanyang karanasan bilang flight attendant.

At kung maririnig ninyo ang kanyang boses, panlaban, pero ang talagang nakatawag ng aming pansin, maganda siya at bagay maging artista.

Rustica, matagal sa MTRCB

Nakakalungkot na balita na naman. Yumao pala noong Martes ang aktres sa stage at pelikula na si Rustica Carpio. Matatandaang bukod sa kanyang pagiging isang aktres, siya ay kinikilalang propessor noon sa PUP, UST at sa FEU, at matagal ding naging kasapi ng MTRCB. Si Miss Carpio ay 91 years old nang bawian ng buhay.

Bagama’t bata pa ay umaarte na sa stage, siya ay unang napanood sa isang pelikula ni Ishmael Bernal kung saan agad na kinilala ang kanyang kakayahan bilang isang aktres.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with