^

PSN Showbiz

Aktres, laging bukambibig na magpapatiwakal ‘pag nag-aaway sila ng BF na aktor!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Talaga palang walang kauuwian ang relasyon ng isang guwapong male personality at ng magandang aktres kundi ang hiwalayan.

Hindi na makakayang tahiin ang punit ng relasyon nila, lumala na nang todo, wala nang mukhang maihaharap ang male personality sa kanilang mga kapitbahay sa isang townhouse.

Grabe ang mga kuwento, pang-action movie lang ang peg, pero ang female personality pala ang sobrang palahanap ng away.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng una, para silang mangga at bagoong na hindi puwedeng paghiwalayin. Kasingtamis ng asukal ang relasyon nila. Konting kibot lang, nagpapalitan na sila ng sweet messages na parang hindi sila magkasama.

“Kapag dumarating ang monthsary nila, e, talagang pinaghahandaan nila ‘yun, ginagastusan ng guwapong male personality ang mga pang-surprise sa girlfriend niya!

“Kasama na ‘yun sa monthly gastos niya, nasa budget na niya ‘yun, ganu’n niya kamahal ang young actress,” unang kuwento ng aming impormante.

Habang nagtatagal ang relasyon nila ay mas nagkakakilala na sila nang husto, nadiskubre ng male personality na sobrang selosa-talakera pala ang babae, ayaw na ayaw ng male personality sa ganu’n.

Patuloy ng aming source, “Tahimik kasi by nature ang male personality. Ayaw niya sa magulong buhay. Kahit nga sa mga isyung involved ang personal life niya, hindi nagsasalita ang guy!

“Tapos, ang makakarelasyon pala niya, e, nagger! Napakaselosa pala ng babaeng ‘yun! Kapag sobrang pagod na pagod ang male personality mula sa trabaho, ang gusto pa ng girl, e, nilalambing siya ng boyfriend niya!

“Alam niya namang nagtrabaho ang male personality, alam din niyang tulog at pahinga ang kailangan nu’ng tao, lambingan pa ang hinahanap niya?

“Kapag ganu’n, e, away na agad ang kasunod nu’n, aawayin na ng girl ang boyfriend niya, nagwawala na siya, kaya puro kalabugan ang naririnig ng mga kapitbahay nila!

“Ang dating tahimik na buhay ng lalaki, e, biglang gumulo, naging maligalig, dahil sa babaeng selosa, talakera at awayera! Mula nu’n, nanglamig na siya sa girl, hanggang sa kumawala na siya sa bird cage na natagpuan niya.

“At palagi palang nagdadrama ang girl na magpapakamatay siya! Akala niya, e, makukuha niya sa ganu’n ang guy, pero nagkamali siya, nilayuan pa siya! Tapos na ang relasyon nila, ewan na lang kung ano ang gagawin ng girl para magkabalikan sila!

“Hay, nakakatakot pala ang girl na ito, Chuckie pala ang peg niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Raffy, sinagot ang gastos sa pagpapagamot ng teacher ng kapatid

Isang tawag ang tinanggap namin habang naghahanda na kami para sa Cristy Ferminute, “Dali, manood ka ng Wanted Sa Radyo, iyak ako nang iyak sa teacher na humihingi ng tulong kay Raffy Tulfo!”

Isa lang ang naging sagot namin sa tumawag, “Kanina pa ako umiiyak, mag-duet na lang tayo sa pagsinghot!”

Puwede kaming manood ng ibang program mula Lunes hanggang Biyernes, pero kapag alas dos na, ibinibigay na namin ang panahon sa prog­ram ng matapang pero mapusong news anchor na si Raffy Tulfo.

Nasa kabilang linya si Edel, bunsong kapatid na babae ng Tulfo Brothers, nasa Amerika ito. Ang maysakit palang guro ay teacher ni Edel sa grade three.

“Ma’m, I will never forget the love and support you’ve given me when I was young. You gave me hope,” sabi ni Edel habang nakatutok ang telepono sa tenga ng kanyang dating guro.

Si Kuya Raffy na ang nagpaliwanag, “PWD si Edel nu’ng bata pa siya. Tinutukso siyang ngongo ng mga schoolmates niya. Palagi siyang umiiyak kapag umuuwi dahil binu-bully siya.

“’Yun ang reason kung bakit hindi niya makakalimutan ang teacher niya, kinakausap siya, binabawal ang mga nambu-bully sa kanya, siya ang nagpapalakas ng loob ng kapatid ko,” sabi ni Kuya Raffy.

Inoperahan na si Edel, maayos na maayos na ang kanyang pagsasalita, pero iyak ito nang iyak nang mapanood ang video ng kanyang dating guro.

“Kuya Raffy, thank you so much, please do everything to help my former teacher. I owe her a lot, please,” umiiyak pang bilin ni Edel sa kanyang kuya.

Lahat ng pangangailangan ng guro ay ibinigay ng mapusong news anchor. Kailangang ipadoktor ang teacher ni Edel, siya ang sasagot sa lahat ng gastos, pati ang mga gamot ng guro ay siya na rin ang bibili.

Napakatagal nang ginagawa ng Wanted Sa Radyo ang pagtulong sa ating mga kababayan. Hindi pa siya nagpapahayag ng pagkandidato bilang senador ay libu-libong pamilya na ang kanyang natutulungan.

Sabi ni prop, ang tumawag sa amin pagkatapos ng gap, “Ibang klase si Raffy Tulfo, nasa dugo na niya ang pagtulong. Ilang taon ko na siyang pinano­nood at palagi niya akong pinaiiyak sa mga kabutihang ginagawa niya para sa mga kababayan natin.”

At pahabol pa ng kaibigan naming propesor, “Siya ang una sa listahan ko. Siya ang number one senator ko.”

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with