^

PSN Showbiz

Piyansa...

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Mukhang malaki ang problemang kinakaharap ngayon ng male star na si Enchong Dee dahil hinahanap na siya ng awtoridad na magse-serve ng kanyang warrant of arrest na inilabas ng RTC ng Davao Occidental sa Criminal Case 03 (2002). Lumabas ang warrant noong Jan. 25.

Ito ang kasong isinampa ni party­list representative Claudine Bautista Lim. Ang reklamo ay nakapangalan kay Ernest Lorenzo Velasquez Dee, na siyang tunay na pangalan ni Enchong.

Nagbigay ng comment si Enchong tungkol sa kasal ni Congresswoman Bautista na sinabi ng kinatawan na nakakasira sa kanya kaya siya nagharap ng kasong libelo.

Sa warrant isinaad ng Korte na ang sumbong ay paglabag sa Revised Penal Code (Art.3530) at kaugnay rin ng Art. 355. Sinabi rin nila na maaa­ring nagkaroon ng paglabag sa RA 10175. Hindi sinabi pero basta may warrant of arrest ang korte may itinatakda rin naman silang piyansa para riyan.

Hindi nangangahulugan iyan na makukulong agad si Enchong. Pero hindi namin alam kung magkano ang piyansa dahil ang hinihinging damages diyan ni Congresswoman Bautista-Lim ay isang bilyong piso.

Tinangka raw ng awtoridad na i-serve ang warrant noong Jan. 26 sa isang dorm na diumano ay pag-aari ng Enchong sa Cubao, pero wala roon ang male star at sinabi ng mga kapitbahay na hindi naman siya roon umuuwi. Kaya ngayon hinahanap pa ng awtoridad si Enchong.

Kung mauunang dumating ang warrant, kulong si Enchong, pero kung mauuna ang kanyang abogado na maglagak ng kaukulang piyansa, hindi na siya ikukulong dahil iyon ay katunayan nang sumasailalim siya sa kapangyarihan ng korte.

Pero dahil iyan ay isang kasong criminal, malaking istorbo iyan dahil kailangang present si Enchong sa lahat ng pagdinig ng korte sa Davao Occidental, dahil kung hindi siya sisipot, maaaring kanselahin ng korte ang kanyang piyansa at makukulong din siya.

Hindi natin alam kung ano ang magiging aksiyon nila, at kung ano rin ang magiging pananaw at magiging desisyon ng korte sa bagay na iyan.

Matapos na almahan ni Bautista-Lim ang kanyang comment sa social media, nag-apologize naman si Enchong pero hindi tinanggap ng kongresista ang kanyang apolo­gy at nagsampa nga ng demanda.

Anak nina Carlo at Trina, mas apektado

Matindi iyong social media post ni Trina Candaza.

Kung iintindihing mabuti, hindi mo masasabing iyan ang kumpirmasyon na hiwalay na nga sila ng kanyang live-in partner na si Carlo Aquino. Sila ay may isang anak, si Enola Mithi Aquino.

Ilang buwan lamang ang nakakaraan, matapos na isilang ang kanilang anak at saka nila inamin publicly ang kanilang relasyon.

Kung totoo ngang naghiwalay na sila, ang talagang maaapektuhan diyan at magiging kawawa ay ang anak nila, na wala namang kinalaman sa kung ano mang naging problema nilang dalawa.

Kaya nga umaasa pa rin ang marami nilang followers na magkakasundo pa naman sila.

Actor, nagmana sa daddy na dating pahada

Walang kamalay-malay ang tatay sa ginagawa ng anak niyang male star at noon ay nagulat na lang siya nang biglang kumalat ang sex video ng kanyang anak.

Ngayon mukhang nag-iimbestiga naman ang tatay dahil marami siyang naririnig na ang kanyang anak ay nakikipag-date sa kung sinu-sinong bakla.

Ang sinasabing ka-affair daw nito ay isang gay businessman, at isang gay designer. Galit si daddy dahil “gagawa rin lang ng ganoon, hindi pa namili ng baklang makakapagbigay sa kanya ng lahat ng kailangan niya.”

May tsismis din naman kasi na ganyan din si poging daddy noong araw, pero wise iyon. May bading na ibinili siya ng lupa, tapos nagkaroon din naman siya ng ba­ding na tumulong sa kanya na ipatayo ang kanyang bahay. Pero bago iyon, si poging daddy ay naging syota rin ng isang bading na recording artist noong u­nang panahon.

vuukle comment

ENCHONG DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with