_ngayon
^

PSN Showbiz

Paolo, inaming kalokohan ang pagbubuntis ni Yen

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, inaming kalokohan ang pagbubuntis ni Yen
Summer at Paolo
STAR/ File

Halatang iritable si Paolo Contis nang ipinorward ko sa kanya ang Facebook post ng isang netizen na ginamit na naman siya.

Kinuha ang quote ni Paolo na inaming may pregnant at masaya raw sila.

Mukhang kinuha ito sa nakaraang interview sa pagbubuntis ni LJ Reyes. Pero ang ginamit na isyu ay ang tsismis na buntis diumano si Yen Santos.

Noon pa man ay itinanggi na ito ni Paolo, pero pinagpilitan pa rin ang isyu at naglabas pa ng fake news para lang mapag-usapan ng isyung pagbubuntis daw ni Yen.

Ang daming nagulat dito at nag-share para tanungin lang kung totoo ba ang naturang FB post. “Kalokohan!” ‘Yun na lang ang sagot ni Paolo, at ayaw na niyang patulan ang isyung ito.

Sa totoo lang, may iba pang isyu sana si Paolo, pero ayaw na niyang ikuwento sa amin. Mas mabuting tahimik na lang daw. Magpaka-busy na lang daw siya sa trabaho.

Happy naman siya sa magagandang feedback sa kanya sa I Left My Heart in Sorsogon, na consis­tent namang mataas ang rating.

Kris, may hugot sa Chanel handbag

Nakakabahala ang huling post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na napakapayat na talaga. Mas lalong nakakatakot nang mag-flood sa TikTok ang iba’t ibang post kay Kris.

Meron pang isang TikTok na sinasabing may isang female celebrity na naghihingalo na raw. Sobra naman ‘yun!

Marami namang nagparating ng mga mensahe kay Kris, at regalo na hindi na lang niya binanggit kung sino ang mga ito.

Pero sa kabila ng mga nakaka-worry na TikTok posts kay Kris, gumaan naman kahit paano ang isang TikTok post niya na nag-unboxing ng mga binili niya. Nai-deliver na sa kanya ang binili niyang bag na Chanel na kakaibang style ng handbag na nagawa pa niyang i-demonstrate kung paano gamitin.

Mukhang mamahalin siya, pero regalo raw niya ‘yun sa sarili dahil buhay siya. Aniya; “That is the gift to myself because I’m alive. Because wala namang may magbibigay sa akin, eh di ako na lang. May hugot yun. Yes meron po.”

Sana ganun na ang mga susunod na makikita nating posts ni Kris dahil lahat naman kami ay nagdarasal na malagpasan niya itong karamdaman niya at tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling.

Katrina, tiniis ang sakit

Okay na raw ngayon si Katrina Halili pagkatapos niyang magkasa­kit sa lock-in taping ng Prima Donnas. Hindi lang naipaliwanag ni Katrina nang maayos sa virtual mediacon ng Prima Donnas dahil nawawala-wala ang signal.

Hindi niya nasabi sa amin kung ano talaga ang sakit niya, pero nasa nerves daw niya ito na hindi na raw niya magalaw ang leeg niya, at sobrang nilalamig daw siya.

Mabuti at tapos na raw siya sa maintenance na tini-take niya, at okay na raw ang pakiramdam niya. “Nung December po natapos na ‘yung gamot ko, so okay na po. Nung nakaraan lang po talagang alarming kasi naninigas na po siya eh, ng one and a half month. Tapos giniginaw na po ako. Doble doble na po ‘yung suot. As in sa legs, may jacket na may gloves pa. As in ganun na po ako sa taping,” pakli ni Katrina.

Mabuti at pinayagan naman daw siya ng production staff ng Prima Donnas na lumabas muna para makapagpa-check up.

Magsisimula na sa Jan. 17 ang book two ng Prima Donnas sa afternoon prime ng GMA 7.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with