_ngayon
^

PSN Showbiz

Sa sobrang kadupangan sa pera aktor tuloy ang pag-angkin sa ari-arian ng pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin maayos ang relasyon ng isang pamosong male personality sa kanyang pamilya. Hindi pa rin sila nag-uusap-usap.

Magkakakampi ang kanyang mga kapatid, kinakalaban siya, nag-ugat ang problema sa ginawa ng aktor na pagbebenta ng ari-ariang hindi lang naman siya ang may-ari.

Kuwento ng aming source, “Talagang hindi siya pinatatawad ng mga kapatid niya sa nangyari. Hanggang ngayon, e, hindi pa rin siya belong sa mga okasyon ng pamilya niya.

“Natural, may pinanggagalingan naman ang galit ng magkakapatid. Akuin ba ang property nang solo lang, samantalang ang dami nilang owner ng ari-ariang ‘yun?” unang mainit na kuwento ng aming impormante.

Pinakapangit na dahilan ang pera sa pagka­kagulo ng isang pamilya. Magkakapatid sila, pero lumalabas ang tunay nilang kulay pagdating na sa salapi, ganu’n ang akusasyon sa male personality maging ng kanilang mga kamag-anak.

Kilalang-kilala sa pagiging mapagharimunan sa buhay ang male personality. Kung kaya niyang kunin sa libreng paraan ang mga gusto niya ay ganu’n ang kanyang ginagawa.

Balik-kuwento ng aming source, “Bago pa ba naman ‘yun tungkol sa male personality? E, nu’ng nagsasama pa sila ng napangasawa niyang sikat na female personality, e, ganu’n din naman ang ginagawa niya?

“Biglang nawawala ang mga kagamitan nila sa bahay, hindi makita ng mga kasambahay kapag hinahanap na ng wife niya. ‘Yun pala, e, nasa bahay na ng family niya, dinala na du’n ng male personality nang wala man lang paalam sa misis niya!

“E, ang mga grocery nila sa pantry, kumusta naman? Nagmimilagro din! Du’n na pala sa pantry nila naggo-grocery ang male personality para dalhin sa pamilya niya!

“Hindi na bago ‘yun! Matagal na siyang ganyan! Kung saan siya makatitipid, kung saan siya hindi na bubunot ng kadatungan niya sa bulsa, ‘yun ang ginagawa niya!

“Suklian na lang kasi niya ang mga utol niya! Maaangkin niya naman ang property na pinaglalabanan nila sa korte, e! Basta bigyan lang niya ng share ang mga kapatid niya!

“Ayaw niya kasing maglabas ng datung, kanya raw ang property na ‘yun, siya raw ang bumili nu’n kahit wala naman siyang maipakitang dokumento!

“Resibo muna bago magreklamo! Ganu’n lang naman kasimple ‘yun! Araw-gabi siyang kuring, ayaw maglabas ng pera, kaya ganyan ang inaabot niya!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Asawa ni Terrence Romeo na nakakulong, nabaon sa utang dahil sa luho ng basketbolista!

Pinagpipistahan sa mundo ng basketball ang sumabog na balita tungkol sa pagkahuli-pagkakulong sa misis ni Terrence Romeo.

Hindi na estafa lang ang asuntong pinagdadaanan ngayon ni Beatrice Pia White, gina­gamit niyang pangalan, kinasuhan na rin siya ng paggamit ng mga fake na pangalan at technical carnapping.

Post ni Ogie Diaz na isa sa mga inutangan at hindi binabayaran ni Pia, “Nasakote rin, finally.” Napakarami na kasing naghahabol kay Pia, mga negosyante ‘yun na inutangan niya, pero puro pangako lang ang kanyang tugon kapag sinisingil na.

Nakakalungkot ang nangyari kay Pia. Kahit paano’y nakakasama rin namin siya nina Manay Lolit at Mr. Fu kapag dumadalaw siya sa Take It, Per Minute… Me Gano’n.

Ang palagi niyang pakiusap ay huwag siyang kukunan ng retrato, ganu’n din ang pakiusap niya kapag nanonood ng PBA sa laro ni Terrence Romeo, huwag siyang tututukan ng mga camera.

Akala naman namin ay mahiyain lang siya, paniniwala nami’y mapagpahalaga lang si Pia sa kanyang pribadong buhay, pero may pinoproteksiyunan pala siya.

Ayaw niyang lumabas ang mga pictures niya dahil marami siyang pinagtataguang maniningil. Matagal na palang sangkot si Pia sa mga tiwaling gawain, marami na siyang kaso, pero ngayon lang naglalabasan.

Minsan ay sinabi niya kay Ogie Diaz na magbabayad siya sa pamamagitan ng kotse. Napakatagal na hinintay ni Ogie ang sasakyan, pero wala naman siyang maibigay, rent a car lang pala ang ipinangangako niyang kotse.

Isang lote sa Antipolo at sa probinsiya ng Quezon ang ipinangako niya uling pambayad kay Ogie, nang itsek ni Ogie ang mga property ay nabisto nito na dalawang beses na palang naibebenta ang propyedad, nagkagastos pa nang daang libo si Ogie nang dahil du’n.

Talagang isang araw ay magkikita-kita ang problema ni Pia dahil sa dami, mahihinog ang mga demandang kinakaharap niya, hanggang sa nahuli na nga siya at ikinulong.

Nasaan ang magaling na basketbolistang si Terrence Romeo sa lahat ng mga kasong kinakaharap ni Pia ngayon?

Ayon sa aming source ay naghiwalay na sila, nahuli ni Pia ang kanyang mister na may ibang babae, mag-isa na lang niyang hinaharap ang kanyang mga asunto ngayon.

Sabi pa ng aming impormante, “Nakakaawa rin si Pia, kasi, siya ang gumastos sa lahat ng mga luho ni Terrence. Pati sa pagsusugal ni Terrence, si Pia ang nagbibigay ng puhunan sa kanya.”

Napakasaklap naman.

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with