Maria Ressa at Marian, mainit na pinag-uusapan

Maria Ressa.

Nakakatayo ng balahibo habang pinapanood ko ang interview sa CNN at BBC ni Maria Ressa. Talagang parang gusto mong ipagsigawang kababayan namin iyan, Pilipino iyan.

Teary eyed ka na makita na buong mundo nagbigay-pugay sa kanya, sa nagawa niya sa larangan ng pamamahayag at sa mga karapatan nito. Talagang ang sarap ng feeling na heto umaani ng papuri ang kababayan natin, karangalan para sa lahat ng Pilipino. Mabuhay ka, Maria Ressa, so proud of you.

Dalawang babae nga now ang nasa news na Filipina kaya ang sarap ng feeling. Una si Marian Rivera bilang judge sa Miss Universe, at si Maria Ressa na Nobel Prize winner at nasa Oslo para tanggapin ang award.

Bongga na namamayani sa international news ang dalawa na­ting kababayan.

Katibayan na ang mga kababaihan sa Pilipinas talagang maipagmamalaki.

Sa ganda at talino, pareho tayong pinag-uusapan ngayon.

‘Dapat maging maingat’

Mabuti naman at naayos na ‘yung gusot ng Viva at ni Nadine Lustre. Sa Viva naman sumikat si Nadine kaya tama lang na mag-stay siya roon habang nasa showbiz siya. Para naman ipakita rin na meron siyang utang na loob sa production nagbigay ng pangalan sa career niya.

‘Yung ginawa ng Viva para maki­lala ang isang baguhan, malaking bagay na. Hindi dapat iwanan ang bahay na masuwerte para sa iyo. Dahil kahit pa nga sabihing maganda na kinalalagyan mo, isang ma­ling step puwedeng mawala sa iyo ang lahat.

Dapat maging maingat pa rin at maayos ang nagha-handle sa iyo.

Maganda ang kombinasyon ng Viva at Nadine, bakit kailangang baguhin. Tamang aksyon para mas magandang resulta.

Show comments