Enzo, nagbago ang priorities dahil kay Michelle

Enzo at Michelle.

Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Enzo Pineda at Michelle Vito. Ayon sa aktor ay mas naging makahulugan at matibay ang kanilang relasyon ng dalaga dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “Mas naging close kami because of the pandemic. Mas naging stronger ‘yung relationship namin in a sense na mas naging mature especially lalo na ako. Kasi before I used to go out a lot. Now, because of the pandemic, there’s been a change of perspective. Iba na rin ‘yung priorities ko in life. And because of Michelle and her family, hindi naman sa sinasabi kong wala ako sa tamang daan, pero I like who I am right now because of the pandemic. And of course dahil kay Michelle,” pagbabahagi ni Enzo.

Ayon sa aktor ay ang paghahanap at pagbibigay ng regalo sa tuwing may okasyon kay Michelle ang pinakamahirap niyang nararanasan sa kanilang relasyon ng dalaga. “Usually ‘yung mga gift ko sa kanya, bihira ako makatama eh. So hopefully sa Christmas magustuhan niya ‘yung gift na ibibigay ko sa kanya. Pero no’ng birthday niya, okay naman. Pero may mga times na magbibigay ako ng bag pero wrong size pala. So hopefully sa mga experience ko, mas maganda na and makukuha ko ‘yung gifts na magugustuhan niya,” pagtatapat ng binata.

Belle at Donny papalit sa KathNiel!?

Simula ngayong Huwebes ay mapapanood na ang pelikulang Love is Color Blind na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Halos hindi raw makapaniwala ang aktres na nagkaroon na sila ng pelikula ng binata. “Oh my gosh! Actually ngayon pa lang nagsi-sink in na may movie. Now I can finally say it, we have a movie. Actually bawat project na gagawin namin is talagang big adjustment. Ang layo ng mga character namin from one another and the story. But every project na gagawin namin might be challenging but it’s still a good challenge,” pahayag ni Belle.

Aminado ang dalaga na nakararamdam ng kaba para sa kanilang bagong proyektong ito ni Donny. “Mas kakabahan ako kung wala ng pressure. At least do’n pa lang, alam ko na when there’s pressure we know na kailangan naming gawin ‘yung best namin sa bawat eksenang gagawin namin,” pagtatapat ng aktres.

Patok na patok sa mga tagahanga ang tambalang Don-Belle. Dahil dito ay mayroong ilang mga nagsasabing sina Belle at Donny umano ang posibleng sumunod sa mga yapak nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “First of all, we’re very humbled and flattered kasi siyempre thankful kami sa support. Siyempre ang KathNiel, KathNiel na ‘yon eh. So I think for us we’re just focused on getting our own path, our own journey. We’re learning everyday, learning with each other, supporting each other, and just learning that we keep our feet on the ground and we never stop learning and that we give the glory to God all the time. We are grateful for the support the supporters give us everyday. We are excited to go through this together and learn more from one another in this path,” paglalahad ni Donny. Reports from JCC

 

 

Show comments