Bulaklak ng Pasko, nagbibigay ng pag-asa!

Cong. Alfred Vargas
STAR/ File

Parang nakakaiyak makakita ng magagandang poinsettia ngayon.

Parang after ng tambak na problema na dala ng pandemya, very calming at heart tugging ang sight ng mga Christmas flowers.

Pinadalhan ako ng mga hanging poinsettias ni Cong. Alfred Vargas, ito ang yearly gift niya sa akin for so many years kaya ito lagi ang reminder ko na December na.

But this time, talagang naging extra special sa akin ang mga poinsettia, parang melancholic ang dating, parang may hatid na konting sadness.

Iyon mga red petals ng poinsettias para bang giving you hope na everything will be alright, na there are reasons sa mga pangyayari.

Siguro nga napaka-selfish mo na kundi ka pa grateful sa mga nasa iyo ngayon, kung maghahanap ka pa, or kung magtatanong pa sa mga nangyayari sa buhay mo. Basta ipagkatiwala mo lahat kay God, alam niya kung ano ang mabuti para sa iyo. Enjoy everything in your life now, be thankful and grateful. Life is beautiful. God is good.

Chicahan...

Ang sarap naman ng lunch chicahan natin nila Cris Roque ng Kamiseta Pat-P Daza, Leo Espinosa, Gorgy Rula, Salve.

Talagang bago ang resto na isang Singaporean kaya naman nag-enjoy tayo.

Ang saya-saya talaga iyon paminsan minsan nagkikita-kita tayo, nag-uusap, kumakain parang breather na rin sa very dull aura ngayon ng showbiz.

Bongga nga dahil pareho kayo ni Pat-P na fully made up dahil galing siya sa morning show nila ni Ali Sotto at ikaw Salve pupunta sa Christmas party ng Speed. Para bang tinaon ninyo na mag make up para sa get together lunch natin. Para bang magiging hectic ang buwan ng December para sa lahat, kasi start pa lang ang dami na agad happenings, bongga talaga. Sana lagi tayong may mga ganitong lunch chicahan to catch up, dahil ang daming nangyayari sa paligid na kung minsan hindi natin nalalaman.

Show comments