Gretchen, nabiktima ng hackers

Dominique at Gretchen.

Kumpirmadong biglang nawala ang Instagram account ni Gretchen Barretto na may more than 1 million followers.

Last Saturday, mara­ming nakapansin na ibang followers na nag-disappear nga ang account niya at kahapon mismong ang daughter niyang engaged na, si Dominique, ang nagtatanong dahil bigla nga itong nawala. “Does anyone work for @meta / @Instagram who can help me with my mum’s Instagram account? It disappeared. Pls DM me.”

Wala raw idea si La Greta kung na-hack nga siya.

Ang sabi ni Francis Simeon, trusted writer friend ni Greta, gagawa na lang ang dating actress ng bagong account.

Samantala, tuloy ang pamimigay ng ‘Christmas love box (noche buena package)’ ng dating actress hindi lang sa mga writer, kundi maging sa mga artista.

Show comments