Hunk actor at young actress, temporary ang breakup!

Mahigit dalawang linggo na palang ‘di nag-uusap ang magkasintahang hunk actor at young actress.

Ayaw magsalita ni hunk actor kung ano ang dahilan.

Ibinaling na lang niya sa ibang bagay ang panahon niya habang hinihintay na mag-resume sila ng taping.

Kahit ang pamilya ni aktor ay nagtataka bakit matagal-tagal nang hindi nagpupunta sa kanilang bahay ang girlfriend na young actress.

Mukhang may selosan daw, pero hindi lang matukoy kung sino sa kanila ang nagseselos.

Hindi na raw nangahas ang magulang ni hunk actor na magtanong kung break na ba sila ng girlfriend niya.

Abangan na lang daw nila sa nalalapit niyang kaarawan kung darating sa bahay nila si young actress para batiin ito.

Sabi naman ng aming source, hindi kumpirmadong break na, kasi puwede pang magkabalikan. Nangyari naman daw ito sa kanila noon.

Mang Tani, hanga sa utang na loob ni kuya kim

Sandaling nakatsikahan ko ang weatherman ng GMA 7 na si Na­thaniel Cruz o mas kilalang si Mang Tani nang magkasabay kaming mag-guest sa Eat Bulaga nung nakaraang linggo.

Natutuwa raw siya para kay Kim Atienza na magkasama na sila ngayon sa GMA 7.

TInawagan naman daw siya ng head ng I Am Ready para sabihang magiging Kapuso na si Kim, pero hindi naman daw weather ang iri-report. Nasa kanya pa rin daw ang weather report, na hindi naman daw niya ipinag-aalala dahil hanga siya sa galing ni Kim. “Pero alam n’yo, sa ganitong klase ng business, anything goes. Puwedeng sa ngayon ay hindi, puwedeng sa susunod baka kaming dalawa na ang nagri-report ng weather.

“Pero magandang teamwork naman ‘yun.

“’Yun lang naman ang ano eh…as long as ang ibinabalita ‘yun ang official PAGASA information. ‘Yun kasi ang mahalaga eh. Nagbabago ang takbo ng panahon. Posibleng sa ngayon hindi, pero sa mga susunod na panahon makita ng mga boss ng GMA na pagsamahin kaya natin ang dalawang ito, may posibilidad na ‘yun.

“Kasi nung ako’ nagsisimula, meron ako actually katambal na babae, that was 2012 kaya nga lang, hindi siya nagtagal,” pahayag ni Mang Tani.

Dagdag pa niya : “Kilala ko kasi si Kim, kasi nung siya ay nagsisimula pa lamang, I was in PAGASA.

“Siya’y nagsisimula pa lamang bilang weather reporter ng ABS. Actually, napakatagal na panahon, tinuruan ko siya at dun ko na-realize habang siya ay nagri-report, ‘yung acknowledgement na lagi niyang sinasabing ‘at ayon sa PAGASA’, so ‘yun ang taong tumatanaw ng utang na loob,” saad ni Mang Tani.

Hindi man daw sila nagkausap ni Kuya Kim bago ito lumipat sa GMA 7, pero nung dumating daw siya galing sa ilang buwang bakasyon sa kanyang pamilya sa Australia, nagkita raw silang dalawa at nagkausap.

Hindi rin daw malayong mangyari na kung sakaling gusto na niyang manirahan sa Australia kasama ang kanyang pamilya, puwedeng kay Kim na niya iiwan ang weather reporting.

“Alam mo itong COVID-19 na ito, itong pande­mic? Alam mo, ito’y pagising o wake up call na again darating sa puntong ang pinakamamahal mo pa rin ang pamilya. Kapag magkakalayo kayo at nangyari ito, napakahirap.

“Katulad ng nangyari sa amin na gustung-gusto ko nang umuwi noon, hindi ako makauwi at naghihintay ang pamilya. Posible na ang unang piliin mo ang pamilya at tingnan natin kung ano ang mangyayari. Hindi naman tayo pababayaan ng Diyos.

“Sa akin, I welcome that. Alam naman nating na­ging tagumpay naman ang pagiging weather reporter ni Kim sa ABS,” seryosong pahayag ni Mang Tani.

Show comments