^

PSN Showbiz

Karla, ramdam ang pag-iwas ni Daniel sa pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karla, ramdam ang pag-iwas ni Daniel sa pulitika
Karla at Daniel
STAR/ File

Kamakailan ay nagdeklara si Karla Estrada ng kanyang kandidatura sa pagka-Kongresista para sa Tingog Party List. Ayon sa aktres ay talagang na-stress ang panganay na anak na si Daniel Padilla dahil sa kanyang naging desisyon.

Kumakandidato rin ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla bilang Congressman para sa unang distrito ng Nueva Ecija. “Ako talagang napaka-transparent ko sa ganyan. Na-stress ‘yung anak ko, na-stress siya, hindi niya kinaya. Kasi si Daniel hangga’t maaari ay umiiwas sa usaping pulitika. Tapos biglang hindi man lang kapatid, talagang parehong magulang niya ang kailangan at binigyan ng pagkakataon,” nakangiting pahayag ni Karla.

Sa ngayon ay hindi pa raw nakapag-uusap sina Karla at Daniel tungkol sa mga plano ng ina sa pulitika. Ramdam naman umano ni Karla na suportado siya ng anak sa kanyang mga ginagawa ngayon. “Si Daniel hindi masalitang tao pero 100% sa magulang ay doon ang kanyang suporta bilang kami ay kanyang mga magulang. Wala siyang sinasabi ngayon pero hindi rin siya kumokontra sa amin, actually ako kapag nagkukuwento ay happy siya. Basta ang importante ay masaya raw ako. Ganoon din sa ama niya, walang problema si DJ. Pero alam ko ‘yung nasa loob niya parang, ‘Hindi ko kaya itong mga magulang ko.’ Gusto niyang umakting ng gano’n, pero mabait kasi si DJ. Sa huli’t huli, iisa lang ang nanay niya at iisa lang ang tatay niya. Eh saan pa ba ang suporta, eh di sa amin,” paglalahad niya.

Wala naman daw magiging problema kay Karla kung sakali mang hindi siya suportahan ni Daniel sa pagsabak sa pulitika. “Kung ako ang masusunod ay okay naman ako kahit hindi siya sa shadow ko sa pulitika, or kahit wala siya sa tabi ko sa pulitikang ito. Kasi paniwala naman ako na maniwala lang sa akin ‘yung mga tao na marunong akong tumulong ay okay na ako roon,” makahulugang pagtatapos ng aktres.

Charlie, maraming nadiskubre kay Joshua

Si Charlie Dizon na ang bagong katambal ngayon ni Joshua Garcia para sa teleseryeng Viral Scandal. Laking-gulat umano ng aktres noong unang pagkakataon na nagkita at nagkausap sila ni Joshua para sa kanilang proyekto. “Hindi ko akalaing ganyan katangkad si Joshua. Nagulat ako nang tumabi ako kasy Jo­shua, ang liit ko sobra. Ganito pala katangkad si Joshua. Nagulat ako and hindi ko kasi alam talaga paano ‘yung personality niya before. Napansin ko na tahimik si Joshua pero minsan makulit din talaga,” kwento ni Charlie.

Nakakatatlong lock-in taping cycles na sina Charlie at Joshua para sa bagong serye kaya napalapit na isa’t isa. Ayon sa dalaga ay mayroon pa siyang ibang mga bagay na nadiskubre sa aktor. “May times siya na tahimik, may times rin talaga na makulit siya and totoo ‘yung tsismis na magaling na artista si Joshua. Totoo kasi talagang tumutulong siya sa mga eksena. Halimbawa mabigat ‘yung eksena namin, tinatanong niya ako kung anong part ng script ‘yung gusto niya ipa-feel para mas tamaan ako. Nakakatulong talaga si Joshua,” giit ng dalaga.

Parehong walang kasintahan ngayon sina Charlie at Joshua kaya marami ang nagtatanong sa dalawa kung posible silang magkaroon ng espesyal na ugnayan. “Hindi ko pa iniisip ‘yan. Pasalamat na lang ako na nagwo-work pa kami. Gusto ko siya siyempre unang-una ‘yung tinutulungan niya ako sa mga scenes. ‘Yung pagka-gentleman ni Joshua and thoughtful siya, hindi lang halata. Parang may mga bagay siyang ginagawa na hindi mo ini-expect. Mga gano’n,” pagbabahagi ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KARLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with