^

PSN Showbiz

Aktres na nakatikim ng pananakit sa karelasyon, bulag na bulag sa pagmamahal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang paniniwala pala ng kampo ng isang kilalang female personality ay hindi magkakatagalan ang relasyon nila ng isa ring pamosong lalaking personalidad.

Paghihiwalay ang kanilang inaasahan, pero napakalaking pagkakamali ‘yun, dahil hanggang ngayon ay matibay pa rin ang pundasyon ng pagmamahalan ng showbiz couple.

Nagkamali ang panukat nila sa babaeng personalidad, nagiging bulag talaga ang kahit sino kapag umiibig, kaya natalo sila sa pustahan.

Kuwento ng aming impormante, “Hindi kasi parehas ang labanan. Labas nang labas ng pera ang girl, pero ang guy, hindi tumutupad sa usapan nila.

“Kunwari, meron silang biniling property, ang usapan siyempre, e, magka-share sila sa pagbabayad, di ba? Pero hindi ganu’n ang nangyayari, ang female personality lang ang nagbabayad.

“Inaabonohan lang niya ang payment dapat ng boyfriend niya. hindi talaga naglalabas ng datung ang guy, samantalang ‘yun ang malinaw nilang usapan!” unang patikim na kuwento ng aming source.

Kilalang-kilala rin ng kanyang kampo ang female perso­nality sa hindi na pakikipagbalikan sa naging karelasyon niya. Pero kakaiba ang naganap dahil tinanggap uli ng babae ang male personality pagkatapos nilang pansamantalang maghiwalay.

Patuloy ng aming source, “Talagang tinamaan ng pana ni Kupido ang puso ng girl! Hindi kasi siya ‘yun! Never siyang nakikipagbalikan sa nakarelasyon niya kapag nag-break na sila!

“Pero nu’ng makipagbalikan ang male personality pagkatapos ng hiwalayan nila, e, bumigay ang girl! Takang-taka ang kampo ng babae kung ano ang nangyari!

“Hindi naging maganda ang hiwalayan nila, may kuwento pa nga ‘yun ng pisikalan, pero kinalimutan na ‘yun ng girl! Mas nanaig sa kanya ang pagmamahal sa guy, kaya nakakailang taon na naman sila ngayon,” sabi pa ng source.

Suko na ang kampo ng babae dahil tinalo ng pag-ibig ang nakasanayan na niya sa pakikipagrelasyon, mahal na mahal niya nga ang male personality, kaya baka maging forever na ang kanilang pagsasama.

Huling opinyon ng aming source, “Huwag na sanang maulit pa ang nangyari nu’ng una silang maghiwalay. Wala na sanang mangyaring sakitan, nakakaawa naman ang girl na wagas kung magmahal.

“Nakakapanghinayang naman kung ngayon pang nagbunga na ang relasyon nila, e, saka pa ‘yun mangyayari.”

Ubos!

KC, pinatunayang hindi siniraan ni Sharon si Gabby

Siguradong bumubulwak ang kaligayahan ni Sharon Cuneta dahil sa napakagandang komplimentong ibinigay sa kanya ng panganay niyang si KC Concepcion.

Nag-ugat ang kuwento sa masarap na pagbati ni KC sa kanyang ama sa kaarawan nito kamakailan. Natural, may mga Mari­tess na nagbigay ng insinwasyon na mas mahal ni KC si Gabby kesa kay Sharon, ramdam na ramdam kasi ‘yun.

Pero maagap si KC. Agad nitong ibinigay ang papuri sa kanyang ina na never na siniraan sa kanya si Gabby. Totoo ang sinabi ni KC na kadalasan ay sa pagpapalaki ng ina humuhugot ng respeto at pagmamahal sa nakahiwalay na ama ang isang anak.

Dati nang sinasabi ng Megastar na kahit kailan ay hindi niya nilason ang isip ni KC tungkol kay Gabby. Kahit pa marami siyang puwedeng sabihin, kahit pa tunay na nagkulang si Gabby sa kanilang anak, walang narinig na anuman si KC mula sa kanya.

Salamat at si KC mismo ang nagpatunay sa maayos na pagpapalaki sa kanya ni Sharon, napakasarap na komplimento nu’n para sa isang ina, si KC ang nagsel­yo sa isyu.

Sa maraming kuwentuhan namin ni Sharon ay iniiyakan na lang niya nu’n kapag nababaligtad pa siya sa mag-isang pagpapalaki kay KC.

“May mga kulang, pero hindi ko ‘yun sinasabi sa anak ko. Ayokong maapektuhan ang respeto niya sa tatay niya. Never ko siyang sinabihan ng mga pagkukulang ng father niya.

“Tatay pa rin niya ‘yun, anuman ang nangyari sa amin, hindi dapat madamay si KC,” madalas sabihin sa amin ni Sharon.

Ang magandang samahan nina Gabby at KC ang repleksiyon ng maayos na pagpapalaki ni Sharon sa kanilang anak. Walang naaalalang masamang salita si KC na ipinangtukoy kay Gabby ng kanyang ina.

Hindi bitter ang kanyang ina, sabi pa ni KC, dahil kahit minsan ay hindi siniraan ni Sharon si Gabby sa kanya.

Sabi ni prop, “Sana, all. ‘Yun kasi ang nakakalimutan ng ibang mommy. Bali-baligtarin man ang mundo, e, hindi mabubuo ang binhi nang sila lang. May tatay ang anak nila na kailangang irespeto at mahalin.”

KC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with