Mayor Goma, pinagluto ang karelasyon ni Juliana

Richard, Juliana at Miggy
STAR/ File

Isa pang tatay na napakalapit sa kanyang anak ay si Mayor Richard Gomez. Ang kaibahan nga lang ni Goma kay Gabby ay iisa ang kanyang panganay. Iisa naman kasi ang kanyang naging anak, at kahit na sinasabing noong araw ay “may ilang iba pang minahal si Goma,” nang makilala niya si Rep. Lucy Torres, nabura lahat ang kanyang nakaraan.

Noong isang araw, natuwa naman kami sa ginawang blog ni Goma. Mayroon kasi siyang video blog kung saan niya ipinakikita ang kanyang husay sa pagluluto. Ang alam namin napakahusay na magluto ni Goma ng Paella Valenciana, at noong isang araw, iyon siguro ang pinakasimple niyang niluto “french fries.”

Ipinagmamalaki ni Goma na noong bata pa siya at nagtrabaho bilang crew ng isang food chain, isa sa mga trabaho niya ang magluto ng French fries. Kaya alam na alam niya ang technique para makagawa ng masarap at malutong na french fries. Actually sa kanyang blog lang naming nalaman na ang French fries ay hindi naman pala nagsimula sa France kundi sa Belgium. Karamihan naman kasi sa Belgians, ang salita ay French.

Habang nagluluto naman si Goma, nanonood ang kanyang anak na si Juliana, kasama ang boyfriend nitong si Miggy Bautista. Makikita mo rin na talagang close si Goma sa kanyang anak, at tanggap din niya ang boyfriend nitong si Miggy, kahit na noong araw kung sabihin ni Goma, mahihirapan sa kanya ang sino mang manliligaw sa kanyang anak. Pero nakakatuwang makita kung gaano ka-close ang mag-tatay.

Gabby, malabo nang madagdagan ang panganay

Siguro kahit na sinong tatay, maiinggit sa naging mensahe ni KC Concepcion sa kanyang amang si Gabby noong birthday niya nung isang araw. Inamin ni KC na ang mahirap nga siguro ay hindi buo ang kanilang pamilya habang lumalaki siya, pero sinasabi niyang nadama niya ang pagkalinga ni Gabby kahit hindi sila magkasama.

Masarap pakinggan na gusto niya ang pagpapahalaga sa kanya at paggabay sa kanya ni Gabby, at ang pagsagot ng ama sa mga tawag niya kahit na alas-dos ng madaling araw.

Doon lamang makikita mo na ang pagpapahalaga ni Gabby sa kanyang “panganay.” Kung tutuusin, si KC naman ang talagang panganay na anak ni Gabby. Siya ang ate ng lahat ng kanyang mga kapatid.

Minsan nga nagkakabiruan na “apat naman ang panganay ni Gabby eh.” Kasi nagkaanak nga siya ng puro babae sa kanyang mga nakarelasyon, kaya lahat panganay. Si Garie kay Grace Ibuna. Si Cloie kay Jenny Syquia, at ang huli nga si Samantha sa kanyang asawa ngayong si Genevieve Gonzales.

Pero si Samantha nasundan ng isa pa, ang bunso nilang si Savannah. At siguro naman, ngayong 57 na si Gabby, hindi na madadagdagan ng isa pa ang kanyang mga panganay.

Pero sinasabi nga nila na bukod kay Samantha na bata pa at kasama niya talaga sa bahay ngayon, kay KC siya talaga malapit sa lahat ng kanyang mga panganay. Kung titingnan mo rin naman kasi ang lahat ng kanyang mga anak, si KC ang halos xerox copy niya ang mukha.

Siguro kaya naman iyon ang malapit sa kanya at in fairness kay KC, nag-eeffort din naman siya para mapalapit, hindi lamang sa tatay niya kundi sa lahat ng kanyang mga kapatid.

Doon nga sa kanyang greetings kay Gabby, ang ipinost na picture ni KC ay kasama nilang dalawa ang isa pang anak ni Gabby na si Samantha. Noon ding birthday naman ni KC last April, bago siya nag-abroad, pinili rin niyang mag-celebrate kasama ang pamilya ni Gabby sa kanyang beach house sa Batangas, at ang dami nilang video na nakikipaglaro si KC sa kanyang dalawang nakababatang kapatid na babae.

Anak ng male star sa Japayuki, ‘rumaraket’ na rin

Teenager na pala ang naging anak na lalaki ng isang male star sa naging syota niyang “Japayuki” noong araw, at pogi iyong bata. Pogi naman kasi ang male star, at iyong nanay, magiging Japayuki ba iyon kung hindi rin maganda.

Pero mukhang napapabayaan na rin iyong bata, kasi ang sabi ng aming source “suma-sideline” na rin daw iyon sa kanilang lugar, isang city north of Manila.

Ang sabi pa ng aming source, “hindi mo maikakaila dahil kamukhang-kamukha naman siya talaga ng tatay niya noong bata pa. Kaya in demand siya talaga.”

Show comments