Pauleen, lutang sa kaligayahan

Vic at Pauleen
STAR/ File

Sa tingin ko ngayon at her happiest si Pauleen Luna.

Kitang-kita mo sa mga posting niya how confidently happy siya as Mrs. Vic Sotto.

Pati physical appearance niya ngayon pinaka-blooming. Ang ganda ng katawan niya, ang sexy ng aura, at iyon sweetness nila ni Vic na talagang very comfortable sila na maging lovey dovey together maging sa social media.

Talagang oozing with confidence ng isang babae na ramdam ang pagmamahal ng partner niya ang hitsura ngayon ni Pauleen.

Nakakatuwa na makita siyang ganyan kaligaya.

Yung kasong mother knows best na kung ano ang makakabuti sa anak ay natupad kay Pauleen.

Alagang-alaga siya ni mommy Chat, talagang binantayan hanggang pakasalan ni Vic kaya nasa tamang lugar ang buhay ni Pauleen.

At malaki man ang agwat ng edad nina Vic at Pauleen, parang iyon nga ang mas lalong nagpatibay sa pagsasama nilang dalawa. Iyon maturity ni Bossing sa pagiging medyo childish pang ugali ng kanyang misis.

Basta, soulmate sila, fated to love, at forever in love.

‘Power table’

Dalawa sa BFF (best friend forever) ko ang magkaiba talaga ang personality hanggang sa kanilang pagpanaw.

Si Douglas Quijano ang party person eversince. Mahilig siya sa tao, party at sa ingay. Nun pa, isa sa lagi niyang biro gusto niya ang wake niya maraming tao, kung puwede nga may party. Talagang grand exit.

Si Ricky Lo, very friendly pero may pagka-private. Pag sa crowd, nasa isang sulok lang siya, biruan naming tatlo noon nila Douglas at Ricky ‘power table’ iyong sa amin, kahit hindi kami tumayo, ang mga tao ang pumupunta sa table namin.

Siyempre, kahit marami inis sa akin, dahil ka-table ko sila Douglas at Ricky, kasali ako sa power people, hah hah joke joke.

Namatay si Ricky, marami ang nagulat, at tulad ng gusto niya, no flowers, no abuloy, only prayers accepted.

At parang ako ang biyuda na lahat tumatawag at nakikiramay, nagtatanong kung ano kailangan o maitutulong, at lagi kong sagot, ipagdasal natin ang kaluluwa ni Ricky. Now kung ako madi-dead, ano choice ko, Douglas grand exit o quiet lang tulad ng kay Ricky? Parang mas gusto ko ang tahimik, ang mga taong mahalaga lang sa buhay ko ang may alam.

Na people will remember me with fondness and smile. No flowers, no abuloy, prayers and good memories lang. I honor sadness, pero gusto ko, sandali lang, hindi iyon nagtatagal at paulit-ulit. Just that, let me rest in peace.

Naku, dapat naiisip ko ngayon mga regalo na haharbatin dahil Pasko na, pero laging iyon pag goodbye ang pumapasok sa utak ko.

Show comments