Gretchen, sinagot ang motibo sa pamimigay ng ayuda

Gretchen.

Sinagot ni Gretchen Barretto ang nagtatanong sa social media kung anong motibo niya sa pamimigay ng love box of goodies, saku-sakong bigas at wheelchairs.

Pinagdududahan kasing may interior motives siya sa pagiging generous sa mga nangangailangan.

Pinag-iisipan din siyang baka naman nag-aambisyon siyang maging senadora.

Pero agad-agad itong sumagot : “yes ang motibo is to be kind. Hindi lahat ng nagbibigay may motibo. It is our duty to spread love and kindness at this time of pandemic.”

Show comments