_ngayon
^

PSN Showbiz

Hidilyn, may ginto na rin sa daliri!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn, may ginto na rin sa daliri!
Hidilyn
STAR/ File

Pagkatapos ng launching kay Hidilyn Diaz bilang bagong brand ambassador ng Jollibee, may panibagong ginto namang suot siya ngayon, ang engagement ring na isinuot sa kanya ng long-time boyfriend at coach na si Julius Naranjo.

Ipinost ng Pinay Olympic gold medalist kahapon sa kanyang Instagram account suot na ang gintong engagement ring. Naganap ang proposal sa Sheraton Hotel, Resorts World nung Biyernes ng gabi.

Bahagi ng kanyang IG post; “I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano ang mga sinasakri­pisyo niya para maabot namin ang pangarap na Ginto sa Olympics together with #TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship. Kaya walang duda magye-Yes ako dahil suwerte ako may isang Julius nagmamahal, nag-intindi at sumusuporta sa akin.”

Wala pa silang sinasabi kung kailan ang kasal, pero simple lang daw ang gusto nilang kasal.

Baka destination wedding daw na maaaring gawin sa isang resort sa Baguio na pag-aari ng kaibigan nila. Saka magkakaroon lang daw ng reception dito sa Maynila para sa iba pa nilang kaibigan.

Nung makatsikahan namin si Hidilyn sa virtual mediacon ng Kuwentong Jollibee, sinabi niya itutuloy niya ang pagti-training sa mga susunod niyang laban. “Tuluy-tuloy pa rin ang training ko. Plano ko maglalaro ako sa world championship. Then next year maglalaro sa SEA Games kung matutuloy, then after that titingnan kung paano ‘yung qualifier for Paris 2024.

“Kung kaya at makita ‘yung qualifying na nandun ‘yung bodyweight ko, then tuluy-tuloy po for Paris 2024,” saad ni Hidilyn.

Ewan ko lang kung mababago ang plano kapag kasal na sila.

Nasa tamang edad na sila, pareho na silang 30 years old kaya dapat na magka-baby na nga sila.

Albert, ‘di affected sa kanila ni Faith

Nahahalatang may alam ang ibang cast ng Las Hermanas sa tunay na namamagitan kina Albert Martinez at Faith da Silva.

Napapangiti ang ilan sa kanila nang hiningan ko ng pahayag si Albert tungkol sa isyu nila ni Faith. Wala namang kinumpirma o itinanggi ang multi-awarded actor kaugnay sa isyu nila ni Faith.

Sanay na rin naman daw siya sa mga intriga na nakaka­kabit na talaga sa kanilang trabaho bilang artista. “I’ve been in this industry since 1981. I’ve been there than that. I’m not affected at all. It’s show business. That’s part of entertainment. So, it doesn’t bother me,” pakli ni Albert.

Sa tingin naman niya nagwu-work ang ginawa nila sa afternoon drama na ito dahil pinag-usapan silang dalawa ni Faith. “I believe it worked for both of us because the chemistry was there. Siguro I will feel bad kung hindi nag-work ‘yung chemistry because that’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public. Maging believable siya dun sa narrative. And it worked.
“’Yung sideline na pinag-usapan nila, it’s just part of the whole thing. But it’s okay. It helped the project and I believed it’s not bad at all,” dagdag niyang pahayag.

Sa ngayon ay nasa proseso pa rin daw siya sa pag-move on sa pagkawala ng misis na si Liezl, pero kung darating daw ang tamang babae para sa kanya, bukas naman daw siya sa posibilidad na iyun.

Nandiyan naman daw ang mga anak niya na lagi niyang ka-bonding at kausap. “Hindi ako masyadong nahirapan sa lock-in because every morning ka-chat ko sila, Facetime kami, it’s okay,” pahayag ni Albert.

“But, you’re asking me right now at my age, I still going through the process of losing a loved one, but if for example in the very near future I meet someone na kumbaga, make my heart beat again, why not? But for now, I’m still enjoying ‘yung moments ko with my kids, which I really wanted to do.

“Kasi all the years na you know, nung bumalik kami from the States nung 1991 all the way to 2015, when Liezl passed away, ang focus is work. All work. I missed so much time with my kids. Ngayon this is right time for me na makabawi sa kanila. Kaya ini-enjoy ko ‘yung moment with them,” sabi pa ng aktor.

Sa Oct. 25 na magsisimula ang Las Hermanas na tiyak na meron ding pambulaga na swak sa afternoon drama.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with