_ngayon
^

PSN Showbiz

Yen, binuhay ang adventure nila ni paolo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tahimik na sana ang buhay ni Yen Santos, Salve, pero nagparamdam na naman siya sa social media. Kaya hayun, tiyak na issue na naman iyon ‘friendship’ nila ni Paolo Contis at ‘yung ‘mahiwagang’ Papa niya.

Nakakatawa dahil sa tagal yata ni Yen sa showbiz, dito lang sa dalawang issue na ito nagkaroon ng ingay ang pa­ngalan niya. Madalas nga ang nababanggit Yeng instead na Yen.

At halos hindi mo matandaan ang anumang project kung saan siya nakasali. Kalokah nga, na bigla parang superstar na pinagpiyestahan ang pangalang Yen Santos dahil sa Baguio adventures ng ‘friend’ niyang si Paolo Contis at paglabas ng issue tungkol sa ‘secret’ Papa.

Hay naku, ngayon back to normal na naman buhay ni Yen dahil nasa social media na uli siya. Back to normal intriga, at issues.

Mayor Joy, todo ang suporta kay Arjo

Talagang suportado ni Mayor Joy Belmonte ang candidacy ni Arjo Atayde. Sinamahan niya ito sa filing sa COMELEC, kaya official na ang pagtakbo ni Arjo sa Congress.

Mukha namang pinag­handaan ito ng anak ni Sylvia Sanchez dahil talagang ibinuhos nito ang panahon para pag-aralan mabuti ang papasuking bagong career.

At mukha ngang nasa puso nito ang maglingkod para sa bayan kaya buong puso ang suporta ng pamilya sa kanya.

Kahit batang bata pa at bago lang sa pulitika, nandun naman ang puso at utak ni Arjo sa paglilingkod, kaya bigyan natin siya ng chance.

Good luck, Arjo, and wishing to see your dream come true.

YEN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with