_ngayon
^

PSN Showbiz

Joshua at Zaijian, pasok din sa Darna, Valentina ‘di pa pinakikilala!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Zaijian, pasok din sa Darna, Valentina âdi pa pinakikilala!
Joshua
STAR/ File

Makakasama ni Jane de Leon ang award-winning young actors na sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla sa inaabangang Darna: The TV Series ng ABS-CBN na ididirek ni Chito S. Roño.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng live cast reveal na ginawa pa sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose Del Monte, Bulacan na sinundan din ng story confe­rence para sa bagong TV adaptation na magsisimula nang mag-taping sa susunod na buwan.

Si Zaijian ang magbibigay-buhay sa papel ni Ding, ang nakababatang kapatid at sidekick ni Darna/ Narda (Jane) na may hawak ng ‘bigating bato.’ Si Joshua naman, na gaganap bilang pulis at EMT na si Brian, ang magiging love interest ni Narda.

Katulad ng naunang inanunsyo, si Iza Calzado (Leonor) ang ina ni Narda na gaganap na unang Darna at magpapasa ng bato sa bagong Pinay superhero.

Makakasama rin sa programa sina Rio Locsin, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Richard Quan, at Kiko Estrada. Pasok din sina Joj Agpangan, Zeppi Borromeo, Mark Manicad, Marvin Yap, Dawn Chang, Tart Carlos, L.A. Santos, Yogo Singh, Young JV, at Gerard Acao ayon sa nangyaring cast reveal.

Samantala, hindi pa pinangalanan ang gaganap na Valentina na magsisilbing kontrabida sa buhay ni Darna.

Hindi na puwede si Arci Muñoz na nag-dialogue noon na interesado siya sa Valentina dahil kalat nang kakandidata itong konsehal.

Anyway, hango ang inaabangang TV adaptation sa minahal na karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang nalalapit na ika-115 birth anniversary ay nakatakdang gunitain sa darating na Oktubre 9.

ABS-CBN DARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with