_ngayon
^

PSN Showbiz

Lovi, hindi kinukumpara ang sarili sa iba!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lovi, hindi kinukumpara ang sarili sa iba!
Lovi
STAR/ File

Nangangarap si Lovi Poe na makagawa ng isang proyektong aksyon ang tema. Tulad ng namayapang ama na si Fernando Poe, Jr. ay nakahanda umanong sumabak ang dalaga para sa mga maaaksyong eksena. “I haven’t done an action series. Of course happy ako na I’ve been doing drama. I’ve done romantic comedies somehow. But isang hindi ko pa nagagawang genre is action. So ayan ang gusto kong gawin,” pagtatapat ni Lovi.

Kamakailan ay nakalipat na ang aktres sa ABS-CBN. Nakatakdang makatambal ni Lovi si Piolo Pascual sa teleseryeng Flower of Evil. “Sobrang pasasalamat ko na the first project that I’m doing is of course with Mr. Piolo Pascual. Then there’s so much more to come,” saad ng dalaga.

Samantala, nagbigay din si Lovi ng opinyon tungkol sa mga nangyayari sa social media. Mayroon kasing ilang netizens ang nakararanas diumano ng depresyon dahil sa mga nakikita sa iba’t ibang social networking sites. “I think it’s very important to focus on your lane and never compare yourself to others. That’s one important trait kasi when you’re busy watering your own garden, you just won’t end up comparing yourself because you’re busy growing and making yourself grow. It’s also important to always take the extra mile,” makahulugang paliwanag ng aktres.

Lotlot, umaming pang-mmk ang mga pinagdaanan

Labingwalong taong gulang pa lamang noon si Lotlot de Leon nang ipanganak ang panganay na si Janine Gutierrez. Para sa aktres ay talagang maraming pagsubok na ang kanyang nalam­pasan mula nang magkaroon ng mga anak.

Ayon kay Lotlot ay pwede na ring maitampok sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang sariling kwento. “Medyo marami-rami akong hindi naikukuwento na baka pwede kong i-share kay ma’am Charo (Santos-Concio) na pwedeng pang-MMK. I think siguro having my children would already be an MMK moment for me. How they came into my life and how they are such a blessing to me. Baka mga four episodes, one month talaga,” natatawang pahayag ni Lotlot.

Kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ni Lotlot na ang mismong anak ang gumanap bilang siya sa naturang drama anthology. “Hindi na ako maghahanap ng iba pa. ‘Yung anak ko na si Janine siyempre. I think she understands kung ano ako, kung how I move and everything. And she really knows my story so who else to better play the young Lotlot. So si Janine sana,” giit ng aktres.

(Reports from JCC)

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with