^

PSN Showbiz

Jason at Ejay, idinispley na ang COC

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Pinasok na rin nina Jason Abalos at Ejay Falcon ang pulitika. Ilan sila sa celebrities na idinispley ang kanilang certificate of candidacy sa probinsiyang nais nilang paglingkuran.

Si Ejay, mabigat-bigat ang posisyong gustong targetin – bise gobernador ng Oriental Mindoro. Si Jason naman ay bilang bokal sa second district ng Nueva Ecija.

Tapos na yata si Jason sa stint niya sa Las Hermanas series ng GMA Network. Kaya puwede na siyang mag-ikot sa second district ng Nueva Ecija.

Si Ejay, wala kaming balita kung may pro­ject na ginagawa. Eh tubong Mindoro naman siya bago naging artista.

Ngayong simula na ang filing ng candidacy, naalala namin tuloy ang isang kilalang artista na laging nagpa-file ng COC niya.

Pero kapag nalaman ng kanyang kalaban ang kandidatura niya, binabayaran siya para umatras sa laban!

Yes, may datung kahit filing pa lang ng candidacy, huh!

Andrew E., balik sa dating formula

Tatak Andrew E. ang bago niyang movie na Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan mula sa Viva. Stick sa ‘90s formula ng comedy si Andrew lalo na’t si Al Tantay ang director nito. Isang pangkaraniwang lalaki na pinalibutan ng magaganda at seksing babae.

This time, sina AJ Raval at Sunshine Guimary ang lalandi kay Andrew.  Kahit slapstick at sexy comedy ang movie, diyan naman nag-akyat ng datung sa Viva si Andrew, huh!

Sa loob ng 48 oras eh, 6.5 million na ang views nito kaya inaabangan na ang streaming nito sa Vivamax sa Oct. 8.

Malaki pa rin ang tiwala ng Viva kay Andrew bilang singer-comedian, huh!                                                                                                                           

EJAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with