Fans ni Claudine, halatang may pinag-aralan

Claudine
STAR/ File

Alam mo, Salve, hangang-hanga ako sa Claudinians,’yung grupo ng fans ni Claudine Barretto. Kasi nga, talagang they are killing us with kindness, ‘yung followers sila ng Take It... Per Minute, Me Ganon!?, magaganda ang mga message at comment nila kahit madalas nagiging balita natin si Claudine.

Iyan ang klase ng followers na additional premium ng isang star, ‘yung magalang, marespeto. Parang talagang bukas ang utak at hindi sarado kaya positive.

Iyon bang dahil nga sa paggalang nila, parang ayaw kong patulan ‘pag merong hindi magandang balita tungkol kay Claudine.

Saludo ako sa Claudinians lalo na ‘yung Dubai Chapter, grabe talaga, pati choice of words may galang, halatang may mga pinag-aralan.

Kasi hindi ba, ‘yung paggamit ng masamang salita, halatang galing ka sa gutter, very low, dahil ‘yung salita mo ang unang bagay na nagdi-define sa iyo. Ako, dahil batang kalye, very poor, kaya pangit din ang mga language na nagagamit ko kung minsan, kaya alam ko. ‘Pag lumaki ka sa isang magandang environment, maligaya ka, siyempre pati ang mga ginagamit mong salita may respeto.

Pero ‘pag gutter language na, alam mo na. Baka mga lumaki na pangit ang paligid, hindi pa nakaahon kaya ganun ang attitude.

So, pathetic ‘di ba! Kaya nga, hats off ako sa followers ni Claudine, bongga kayo.

Mga gumagamit ng produkto ng Beautederm, mabilis ma-identify!

Sponsor sa Tuesday ng Take It… Per Minute, Me Ganon!? si Rhea Tan ng Beautederm. Talagang ever supportive siya sa programa natin nina Cristy Fermin at Mr. Fu, Salve, at sigurado ako na overtime na naman tayo dahil everytime na si Rhea Tan ng Beautederm ang sponsor talagang parang happy kaming tatlo na tuluy-tuloy ang usapan at hindi tumitingin sa relos.

Sa rami naman kasi ng ambassadors of beauty ng Beautederm, talagang makikita mo kung gaano ka-effective ang mga produkto nila. Alam mo talaga na malaki ang pagbabago sa skin at ang promise na beautification talagang nakukuha mo.

At talagang alam ni Rhea Tan ‘yung gumagamit ng products nila dahil first sign ang mga skin na talagang nagkaroon ng glow at kuminis dahil sa mga sabon at cream na ginagamit.

Kaya kita-kita tayo sa Tuesday, 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON.

‘Wag kalimutan dahil marami rin kaming mga umuusok na balita at opinyon, exclusive sa TIPMMG.

Show comments