^

PSN Showbiz

John, ‘di papatulan ang paghingi ng tawad ni Derek

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nasa Ilocos Sur si John Estrada nang finorward ko sa kanya ang interview kay Derek Ramsay na kung saan sinabi ng huli na open siya na muling magkaibigan sila.

Binanggit din ni Derek sa interbyung iyon na tinawagan daw niya si John para mag-sorry dahil sa nangyaring gulo nila ni Ellen Adarna.

Sa totoo lang, naibahagi nga ‘yan sa akin ni John nung nagkausap kami two weeks ago pa, pero ayaw lang niyang ipasulat pa. Nagkausap pa raw sila ng daddy ni Derek, dahil close naman daw talaga siya sa magulang ng kanyang bestfriend. Kaya naman noon pa ay sinasabi ni John na para sa kanya ay magkaibigan pa rin sila ni Derek.

Ayaw na lang sagutin pa ni John itong huling interview kay Derek. Sinabi niya noon pa na kaibigan pa rin ang turing niya, at okay na raw ‘yun. Mag-move on na raw tayo.

Nangyayari naman daw ‘yan sa close friends, kaya sana huwag na raw lumaki at matapos na ang isyung ito.

Abala ngayon si John sa Ang Probinsyano at dahil ilang linggo silang naka-lock in doon.

Hindi pa raw niya masabi kung babalik ang John en Ellen dahil wala pang sinasabi sa kanya ang TV5 at ang Cignal.

Saka na lang daw sila maghahanap ng ipapalit kay Ellen kung sakaling may go signal nang magkakaroon ito ng season 3.

Siyanga pala, kung imbitado at dadalo si John sa kasal nina Derek at Ellen, dun na natin masasabing bumalik na ang magandang friendship nila.

Alden-Bea movie, tuloy pa rin

Talagang naka-focus muna ngayon si Alden Richards sa drama series niyang The World Between Us.

Kaya naman sa virtual mediacon ng naturang serye, sinabi niyang tatapusin niya muna talaga ito bago  harapin ang ilang commitments.

Isa na nga rito ang Eat Bulaga na marami na ang nagtatanong kung babalik pa ba siya sa naturang daily noontime variety show. “Babalik po ako, huwag po silang mag-alala. ’Pag natatapos po kasi ang first lock-in namin, meron lang pong ilang araw para magawa po ‘yung mga trabaho namin outside, pero hindi po ganun kahaba kasi bumabalik po kami agad sa first quarantine after… mahaba na po ‘yung 5 days. Ganun lang po ‘yung break namin, kasi we really wanted to finish the show as much as we can. Ayoko naman po kasi na babalik ako sa Bulaga and ‘yun din naman nagpaa­lam naman po ako. Nagsabi naman po ako na after The World Between Us, babalik na po ako,” saad ni Alden sa virtual mediacon ng TWBU noong nakaraang Sabado.

Ngayong linggo ay mas madrama at maraming mabubunyag sa kuwento, at matindi ang cliffhanger nito sa darating na Biyernes, August 27.

Pagkatapos nito ay magkakaroon ng season break at sa November 15 na ang balik.

Kaya sinabi namin kay Alden na kung sa November 15 pa ang balik nila, ibig sabihin hindi totoo ‘yung kumakalat na balitang siya ang makakatambal ni Bea Alonzo sa first drama series na gagawin nito sa GMA 7. “Kasi based on my knowledge po, alam ko po movie pa lang po ‘yung pagsasamahan namin. And wala pa naman pong nabibigay sa akin na word kung meron po ba kaming gagawin na teleserye… kung ano po ‘yung advice ng aking mga bossing po. Pero right now po, ‘yung movie po is tuloy. Tatapusin ko lang po ‘yung The World Between Us,” sagot sa akin ni Alden.

So, starting next week wala munang The World Between Us tayong mapapanood.

Aakyat ang Legal Wives na lalong umiinit ang kuwento.

Pagkatapos ng LW, susunod ang replay ng Endless Love at pagkatapos nito ay sisimulan na ang bagong season ng K-drama na Penthouse.

Sabi naman ni direk Dominic Zapata, habang wala pa ang TWBU sa TV nasa social media raw muna active ang naturang drama series ni Alden.

“We will be very present on social media. We will make sure na nakikita n’yo pa rin ‘yung mga mahal ninyong characters during that time.

“Pero maganda ‘yung suggestion ni Alden. We will encourage everyone to watch it online. Tapos, panoorin n’yo ulit, kasi may makakalusot sa inyo…there are ‘easter eggs’ na nilagay namin dito sa show na makikita ninyo na ‘ay ‘yun pala ‘yun. Kung pinanood mo ulit, makikita n’yo ay ‘yun pala yun. Kaya pala ganun,” pahayag ni direk Dominic Zapata.

ALDEN

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with