_ngayon
^

PSN Showbiz

Belle, pag-aagawan nina Donny at Jeremiah

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Belle, pag-aagawan nina Donny at Jeremiah
Donny, Belle at Jeremiah
STAR/ File

Patindi nang patindi ang banggaan nina Deib (Donny Pangilinan) and RJ (Jeremiah Lisbo) dahil malapit nang magharap ang kanilang eskwelahan sa basketball championship habang pareho nilang ipaglalaban makuha ang puso ni Max (Belle Mariano) sa inaabangang finale ng top trending series na He’s Into Her, na mapapanood sa iWantTFC sa Biyernes Friday (Hulyo 29) at sa Kapamilya Channel at A2Z sa Linggo (Hulyo 31).

Sa isang di inaasahang pagkikita, nangako si RJ kay Max na hinding-hindi na nito iiwan ang dating kasintahan, lalu na ngayon na hindi maayos ang kanyag pamilya at patuloy na iniisip na bumalik sa tahimik na buhay sa probinsya.

Samantala, nang matagpuan ni Deib na magkasama ang dalawa, hindi nito tinago ang selos nang malamang magkaibiga nang muli ang dating magkasintahan at kahit na sinabi ni Max na espesyal na si Deib sa kanyang puso.

Patuloy naman na sinisisi ni Max ang sarili at nag-alok pa itong umuwi na lang sa Mindoro dahil hindi pa rin umuuwi ang stepmother niyang si Macy (Issa Litton) at stepsister na si Elle (Melizza Jimenez), matapos umalis nang ipilit ng tatay nitong si Maxim (Richard Quan) na panagutan ni Elle ang pagkakasangkot sa pananakit kay Max sa Benison.

Ngayong determinado si Deib kunin ang championship trophy kina RJ, makuha rin kaya niya ang puso ni Max?

BELLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with